Newsroom

Magpapadala ng bakuna ang Moscow sa PH

Maaaring maipadala ng Russia sa Pilipinas ang bakunang na-develop nito para sa sakit na coronavirus 2019 (Covid-19) bago matapos ang taon, ayon sa punong tagapamahala ng Russia Direct Investment Fund (RDIF).

Ngunit dapat munang magsagawa ng mga clinical trial sa Maynila sa gamot kaalinsabay ng mga katulad na trial sa Moscow, ani Kirill Dmitriev, chief executive officer ng RDIF, sa isang eksklusibong panayam sa The Manila Times noong Huwebes.

Ang RDIF ay isang sovereign wealth fund na sumuporta sa Gamaleya Research Institute sa pag-develop ng bakunang Sputnik V.

Handa ang Moscow na ihatid ang bakuna sa bansa kapag marami nang nagawang ganito hangga't kukumpirmahin ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health, DoH) at ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology, DoST) ang kaligtasan nito, aniya Dmitriev.

“Kung makikita naming kukumpirmahin at makikipagtulungan sa amin nang maayos ang inyong ministro sa kalusugan, naniniwala kaming makukuha na ng marami ang bakuna sa Pilipinas sa Nobyembre o Disyembre ng taong ito,” dagdag niya.

Gayunpaman, ayon sa Malacañang ay maaaring maipadala rito ang bakuna sa Oktubre.

Kahit na kampante tungkol sa kaligtasan at bisa ng bakuna, hinikayat ni Dmitriev ang pamahalaan ng Pilipinas na magsagawa ng sarili nitong mga clinical trial.

“Naniniwala kaming mabuting magsagawa ng mga trial sa Russia na isasagawa sa paraang matatanggap lang ng Pilipinas at iba pang bansa ang mga resultang iyon. Ikinalulugod naming magsagawa ng mga clinical trial sa 1000 tao para sa Ikatlong Phase,” aniya, nang tinutukoy ang huling phase ng pagsusuri para sa bakuna.

Dalawampung bansa ang sumang-ayong magsagawa ng mga clinical trial sa pag-asang makakuha agad ng Sputnik V.

Maliban sa Pilipinas at Russia, ang Saudi Arabia, Brazil at United Arab Emirates ay kasama sa mga bansang interesado sa pagkuha ng bakuna, ani Dmitriev, idinagdag niyang bukas siya sa pakikipagtulungan sa paglalabas ng bakuna sa bansa hangga't may magagamit na makinarya.

Sa nakaraang forum ng media, ipinahayag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang anumang bakunang ipapasok sa bansa ay dapat munang sumailalim sa mga clinical trial.

Ibinunyag ni Dmitriev na sa unang dalawang phase ng mga trial, 100 tao ang binakunahan. Magkakasabay ang ikatlong phase at ang maramihang pagbabakuna sa mga Russian na magsisimula sa buwang ito.

“Inaasahan naming makakapagbakuna kami ng 40,000 katao sa kalagitnaan ng Setyembre” aniya.

Pinapayagan ng isang batas sa Russia ang tatlong phase ng trial para sa isang bakuna habang ipinapamahagi ito para sa komersyal na paggamit sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Dmitriev, sa ikatlong phase, gagamitin ang isang bakuna para sa flu bilang isang placebo.

Nakatuon sa Sputnik V ang kasalukuyang pag-aaral ng bansa sa bakuna para sa Ebola at sa coronavirus disease Middle East respiratory syndrome (MERS) paliwanag ni Dmitriev kung bakit ito na-develop nang napakabilis.

“Naisip naming lamang ang Gamaleya Institute sa iba pang kumpanya dahil sa kanilang pag-aaral sa bakuna para sa Ebola at sa bakuna para sa MERS,” aniya.

Noong pumutok ang Covid-19, ginamit ng institusyon ang mismong platform ng pagsasalin para sa mga bakuna para sa Ebola at MERS na tinatawag na adenoviral vector ng tao, na nilikha mula sa napahinang flu virus sa halip na mRNA (messenger ribonucleic acid) na ginagamit ng iba pang kumpanya.

Gumagamit ang mga bakuna ng dalawang mekanismo ng vector, na Vector 5 at Vector 26. Kapag pinagsama, nagbibigay ito ng mas matagal na immunity. Para makamit ito, dapat ibigay nang dalawang beses ang Sputnik V.

“Kailangan ng dalawang iniksyon, dahil pagkatapos ng unang iniksyon, umaabot ang mga tao sa antas ng isang taong nagkaroon ng Covid, ngunit pagkatapos ng pangalawang iniksyon, umaabot ka sa antas ng mga antibody na mas mataas kaysa sa mga taong nagkaroon ng Covid, mas magtatagal ang inyong immunity response.” Pahayag ni Dmitriev.

Ayon sa kanya, sinubukan ang mga adenovirus vector ng tao sa maraming tao at walang naitalang side effect.

Ani Dmitriev, nakasalalay sa DoH kung papayagan si Pangulong Rodrigo Duterte na mabakunahan ng Sputnik V, ngunit ipinahayag niyang siya, ang kanyang asawa, at ang kanyang mga magulang na parehong mahigit 70 taong gulang na, ay nabakunahan na.

Sinagot din niya ang mga kritisimo tungkol sa pagpapadalos-dalos sa paggawa ng bakuna, sinabi niyang mayroong reputasyon ang Russia sa paggawa ng mga bakuna gamit ang napatunayan na at ligtas na platform.

“Isipin mo, bawat taon, nagpapabakuna ka para sa trangkaso, ngunit binabago nila ito nang kaunti sa bawat pagkakataon, dahil ibang strain na ito ng flu. Hindi ito nangangahulugan na sa bawat pagkakataon ay dumadaan ito sa tatlong phase ng pag-apruba. Katulad nito, mayroon na kami ng platform na ginagamit na, ligtas na, at binago lang namin ito nang kaunti.” Pahayag ni Dmitriev.

Message has been successfully sent!