Ang Sputnik V ay ang unang rehistradong bakuna sa mundo na batay sa napag-aralan nang mabuti na platapormang batay sa adenoviral vector sa tao. Kasalukuyan itong kasama sa 10 nangungunang kandidatong bakuna na nalalapit sa katapusan ng mga klinikal na pagsubok at sa simula ng maramihang pagpagawa sa listahan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (World. Health Organization, WHO).
40,000 boluntaryo ang kasali sa kasalukuyang isinasagawang klinikal na pagsubok ng Sputnik V pagkatapos ng pagrehistro sa Ruso.
Ipinahayag ang mga klinikal na pagsubok ng Sputnik V sa UAE, Indya, Venezuela at Belarus.
Nakumpirmang 91.4% ang bisa ng bakunang Sputnik V batay sa pagtatasa ng mga datos sa huling punto ng pagkontrol ng mga klinikal na pagsubok. Ang bisa ng bakunang Sputnik V laban sa mga malalang kaso ng coronavirus ay 100%.
Ang RDIF ay nakipagtulungan sa mga katuwang at mga pagawaan upang padamihin ang paggawa ng Sputnik V.
Ang halaga ng isang dosis ng bakuna para sa mga internasyonal na merkado ay mas mababa sa $10 (Ang Sputnik V ay isang bakunang nangangailangan ng dalawang dosis). Ang lyophilized (tuyo) na uri ng bakuna ay maaaring itago sa temperaturag +2 hanggang +8 centigrado.
Ang mga order para sa higit 1.2 bilyong dosis ng bakunang Sputnik V ay nagmula sa higit 50 bansa.
Ang mga supply ng bakuna para sa pandaigdigang merkado ay gagawin ng mga internasyonal na katuwang ng RDIF sa Indiya, Brasil, Tsina, Timog Korea at iba pang mga bansa.
Binuo ang website na ito upang makapagbigay ng tumpak at napapanahong impormasyon tungkol sa Sputnik V.
Registration certificate ng Russian Health Ministry
Ang bakuna ay pinangalanan batay sa unang Soviet space satellite. Ang paglipad ng Sputnik-1 noong 1957 ay nagpasigla sa pananaliksik ng space sa buong mundo, na lumilikha ng tinatawag na “panahon ng Sputnik” para sa pandaigdigang pamayanan.
Sa kasalukuyan, mayroong higit 200 iba’t ibang bakuna ng COVID-19 na isinasagawa sa buong mundo.
Ang mga “vector” ay mga pinaglululanan, na naglalabas ng genetic material mula sa ibang virus patungo sa isang selyula. Ang gene na mula sa adenovirus, na sanhi ng impeksyon, ay inaalis habang nagsasalin naman ng isang gene na may code ng protina mula sa ibang virus – na sa kasong ito ay coronavirus. Ang isinaling elementong ito ay ligtas sa pangangatawan ngunit tinutulungan pa rin nito ang immune system na mag-react at gumawa ng mga antibody, na nagpoprotekta sa atin laban sa impeksyon.
Sa tulong ng platform ng teknolohiya ng mga adenovirus-based vector, nagiging mas madali at mas mabilis ang paggawa ng mga bagong bakuna sa pamamagitan ng pag-modify sa naunang carrier vector gamit ang genetic material mula sa mga bagong umuusbong na virus na tumutulong sa paggawa ng mga bagong bakuna sa loob ng mas maikling panahon kumpara sa ibang pamamaraan. Dahil sa mga ganitong bakuna, nagkakaroon ng malakas na response mula sa immune system ng tao.
Ang mga adenovirus ng tao ay itinuturing na ilan sa pinakamadaling i-engineer sa ganitong paraan at dahil dito, madalas gamitin ang mga ito bilang vector.
Alamin pa kung paano gumagana ang mga bakunang adenovirus-based vector
Alamin pa ang tungkol sa matagumpay na karanasan ng Gamaleya Center sa pag-develop ng mga bakuna laban sa Ebola na batay sa isang adenovirus vector
Matapos magsimula ang pandemya ng COVID-19, kumuha ang mga mananaliksik sa Russia ng piraso ng genetic material mula sa novel coronavirus SARS-COV-2, na nagko- code ng impormasyon tungkol sa istruktura ng spike S-protein, na bumubuo sa “crown” ng virus at nag-uugnay sa mga selyula ng tao. Inilagay nila ang mga ito sa isang pamilyar na adenovirus vector upang maisalin sa isang selyula ng tao at magawa ang kauna-unahang bakuna para sa COVID-19 sa buong mundo.
Upang matiyak na magkakaroon ng immunity sa loob ng mahabang panahon, nakaisip ang mga siyentista ng Russia ng makabagong ideya ng paggamit ng dalawang magkaibang uri ng adenovirus vector (rAd26 at rAd5) para sa una at pangalawang pagbabakuna, na magdaragdag sa bisa ng bakuna.
Ligtas ang paggamit ng mga adenovirus ng tao bilang mga vector dahil ang mga virus na ito, na sanhi ng karaniwang sipon, ay hindi novel (bago) at umiiral na mula pa noong nakaraang libo-libong taon.
Message has been successfully sent!