Moscow, Setyembre 11, 2020 – Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF), na sovereign wealth fund ng Russia, at ang State of Bahia (Brazil), sa tulong ng Health Secretariat nito ay lumagda sa isang kasunduan na mag-supply ng hanggang 50 milyong dosis ng bakunang Sputnik V ng Russia, ang kauna-unahang rehistradong bakuna para sa coronavirus sa buong mundo, sa Brazil. Inaasahang magsisimula ang mga delivery sa Nobyembre 2020 na sasailalim sa pag-apruba ng mga tagapangasiwa ng Brazil batay sa mga resulta ng mga naging trial noong matapos itong mairehistro. Sa tulong ng kasunduan, maipamamahagi ng mga partido ang bakuna sa iba’t ibang panig ng Brazil sa hinaharap.
Binibigyang-diin ng kasunduan na maraming bansa ang kumikilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng bakunang gumagamit ng platform na may adenoviral vector ng tao mula sa listahan ng mga bakuna para sa coronavirus. Ang platform na may adenoviral vector ng tao ay isang platform para sa bakuna na sapat nang nasaliksik at napatunayang ligtas sa loob ng maraming dekada kasama na ang sa pamamagitan ng 75 international na sayantipikong lathalain at mahigit 250 clinical trial.
Noong Setyembre 9, inanunsyo ng RDIF at ng parmasyutikong kumpanya na Landsteiner Scientific ang tungkol sa isang kasunduan para sa pag-supply ng 32 milyon dosis ng bakunang Sputnik V ng Russia sa Mexico, na tutulong na mabakunahan ang 25% ng populasyon. Inaasahang magsisimula ang mga delivery sa Nobyembre 2020 na sasailalim sa pag-apruba ng mga tagapangasiwa ng Mexico.
Noong Agosto 11, ang bakunang Sputnik V na ginawa ng Gamaleya National Research Institute of Epidemiology and Microbiology ay inirehistro ng Ministry of Health ng Russia at naging ang kauna-unahang rehistradong bakuna laban sa COVID-19 na nasa isang platform na gumagamit ng adenoviral vector ng tao sa buong mundo. Ang detalyadong impormasyon tungkol sa bakunang Sputnik V, teknolohikal na platform na may mga adenoviral vector ng tao, at ang iba pang mga detalye ay makikita sa sputnikvaccine.com
Noong Setyembre 4, ang isang research paper tungkol sa mga resulta ng Phase I at Phase II ng clinical trial ng bakunang Sputnik V ay inilathala sa The Lancet, na isa sa mga nangungunang international na medikal na journal. Walang naitalang malala at masamang pangyayari sa Phase I at Phase II ng trial, at nagkaroon ng matatag na immune response ang 100% ng mga kalahok. Nagpapatuloy sa ngayon ang mga clinical trial para sa bakunang Sputnik V matapos itong mairehistro kung saan kasali ang 40,000 boluntaryo. Inaasahang ilalathala ang mga paunang resulta ng trial na ito sa Oktubre-Nobyembre 2020.
Si Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund, ay nagsabing: “Nangunguna ang Russia sa paggawa ng mga bakuna laban sa coronavirus at gumagamit ito ng mga ligtas na teknolohiyang napatunayan na sa paglipas ng panahon. Gumagamit ang Sputnik V ng napatunayan nang platform na may adenoviral vector ng tao habang ang ibang mga bakuna para sa coronavirus ay gumagamit ng mga bago lang na platform, gaya ng mga adenoviral vector ng unggoy o mRNA. Ang mga kamakailang development sa pandaigdigang industriya ng parmasya na may mga nakabinbin pang trial ng pang-eksperimentong bakuna para sa coronavirus ay nagpapakita sa kahalagahan ng iba’t ibang pamamaraan sa mga supply ng bakuna. Ang paglagda sa mga kasunduan upang i-supply ang Sputnik V sa ibang mga bansa ay nagpapakita na maraming bansa ang kumikilala na ang mga bakunang gumagamit ng adenovirus ng tao ay talagang kailangang-kailangang maisama sa listahan ng mga gamot na magagamit sa kanilang bansa, dahil napatunayan nang ligtas at mabisa ang platform na ito sa loob ng maraming dekada. Walang naitalang malala at masamang pangyayari sa mga clinical trial ng bakuna ng Russia, at sa tulong ng Sputnik V, nagkaroon ng matatag na humoral at cellular immune response ang 100% ng mga kalahok sa mga clinical trial. Sa kabaligtaran, ang mga bakunang gumagamit ng mga bago lang na platform ay hindi pa napapatunayang ligtas at wala pang data sa kasalukuyan tungkol sa carcinogenicity o mga epekto nito sa kakayahan ng isang tao na magkaanak. Ikinasisiya naming makagawa ng ganito kahalagang ambag sa paglaban sa pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas at mabisang bakunang Sputnik V sa aming mga kasosyo sa Brazil.”
Si Aleksandr Rumyantsev, na Presidente ng Dmitry Rogachev National Research Center, akademiko mula sa Russian Academy of Sciences, Doktor sa Mga Agham na Medikal, at propesor, ay nagsabing: “Hindi tulad ng maraming makabagong teknolohiya mula sa ibang bansa, naiiba sa magandang paraan ang bakunang gawa sa Russia dahil gumagamit ito ng platform na may adenovirus ng tao na nasubukan na sa loob ng mahabang panahon, napatunayan na bilang mahusay, at may kasaysayang sumasaklaw sa napakaraming taon ng pag-aaral at paggamit. At ito ang pinakamahalagang panahon kung kailan dapat maging maingat sa pagpili: ang carrier na matagumpay nang ginagamit sa loob ng mahabang panahon at napatunayan na bilang mabisa, o ang bago lang na teknolohiya (halimbawa, adenovirus ng unggoy) kung saan kailangan munang bantayan nang napakaigi ang mga nabakunahan ng ganito at pagkatapos ay maghintay nang napakatagal bago lubos na mapatunayan.”
Si Dr. Fabio Vilas-Boas Pinto, Health Secretary ng State of Bahia, ay nagsabing: “Ang Pamahalaan ng State of Bahia, sa Brazil, ay lubos na nasisiyahan sa kasunduang nilagdaan kasama ng Sovereign Wealth Fund ng Russian Federation, na maggagarantiyang makukuha ng mga mamamayan ng Brazil ang bakunang Sputnik V, sa sandaling aprubahan na ito ng mga pambansang awtoridad na tagapangasiwa ng Brazil. Dahil isa itong bakunang binuo gamit ang adenovirus ng tao, na isa sa pinakaligtas at pinakamabisang platform sa paggawa ng bakuna sa buong mundo, naniniwala kaming makukumpirma ng mga resulta ng kasalukuyang isinasagawang phase 3 ng clinical trial ang data na naobserbahan sa phase 1 at 2."
Ang op-ed ng CEO ng RDIF na si Kirill Dmitriev tungkol sa mga bentahe ng platform na gumagamit ng mga adenoviral vector ng tao kumpara sa ibang mga teknolohiya sa paggawa ng bakuna ay makikita sa: https://sputniknews.com/columnists/202009071080382164-questions-on-russias-sputnik-v-vaccine-answered/
***
Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang sovereign wealth fund ng Russia na itinatag noong 2011 upang gumawa ng mga equity co-investment, na pangunahing ginagawa sa Russia, kasama ng mga international na namumuhunan sa pinansyal at batay sa istratehiya, na may magandang reputasyon. Nagsisilbi ang RDIF bilang instrumento sa pagpapasimula ng mga tuwirang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kumpanyang namamahala sa RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, mayroong karanasan ang RDIF sa matagumpay na pagpapatupad ng mahigit 80 proyekto kasama ng mga dayuhang kasosyo, na nakakaabot sa mahigit RUB 1.9 trilyon sa kabuuan at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Nag-eempleyo ang mga portfolio company ng RFID ng mahigit 800,000 tao at nakakalikom ang mga ito ng kitang katumbas ng mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nakapagtaguyod ang RDIF ng mga istratehikong pakikipagsosyo kasama ng mga nangungunang international na co-investor mula sa mahigit 18 bansa at nakakaabot ito sa mahigit $40 bilyon sa kabuuan. Makakakita ng karagdagang impormasyon sa rdif.ru
Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan kina: Arseniy Palagin Russian Direct Investment Fund Press Secretary Telepono: +7 495 644 34 14, ext. 2395 Mobile: +7 916 110 31 41 E-mail: [email protected]
Matagumpay na naipadala ang mensahe!