Balita

RDIF at Dr. Reddy, magtutulungan sa mga clinical trial at magsu-supply ng 100 milyong dosis ng bakunang Sputnik V sa India

Moscow, Russia/Hyderabad, India, Setyembre 16, 2020 – Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF), ang sovereign wealth fund ng Russia, at Dr. Reddy’s Laboratories Ltd. (Dr. Reddy’s), isang international na parmasyutikong kumpanya na nasa labas ng India ang headquarter, ay nagkasundong magtulungan sa mga clinical trial at pamamahagi ng bakunang Sputnik V sa India. Pagkatapos ng pag-apruba sa pangangasiwa sa India, dapat magbigay ang RDIF sa Dr. Reddy’s ng 100 milyong dosis ng bakuna. Ang bakunang Sputnik V, na batay sa napag-aralan nang sapat na platform ng adenoviral vector ng tao na may napatunayang kaligtasan, ay sumasailalim sa mga clinical trial para sa pandemya ng coronavirus. Posibleng magsimula ang mga delivery sa huling bahagi ng 2020 na sasailalim sa pagkumpleto sa mga matagumpay na trial at pagpaparehistro ng bakuna ng mga awtoridad sa pangangasiwa sa India.

Kinakatawan ng kasunduan sa pagitan ng RDIF at Dr Reddy’s ang dumaraming mga bansa at organisasyong nakakaalam na kailangang magkaroon ng diversified na portfolio ng bakuna laban sa COVID para maprotektahan ang kanilang mga populasyon.

Sinabi ni Kirill Dmitriev, ang CEO ng Russian Direct Investment Fund, na:

“Lubos naming ikinagagalak na makipagtulungan sa Dr. Reddy’s sa India. Ang Dr. Reddy’s ay may napakahusay at lubos na iginagalang na presenya sa Russia sa loob ng mahigit 25 taon at isa sa mga nangungunang parmasyutikong kumpanya sa India. Ang India ang isa sa mga pinakamalalang naapektuhang bansa mula sa COVID 19 at naniniwala kaming makakapigbigay sa India ang aming platform ng adenovirus dual vector ng tao ng opsyong ligtas at napatunayan ng siyensya sa pakikipaglaban sa COVID 19.

Ang mga partner ng RDIF ay makakatanggap ng epektibo at ligtas na gamot para labanan ang coronavirus. Ang platform ng mga adenoviral vector ng tao na core ng bakuna ng Russia ay sinubok sa mahigit 250 clinical na pag-aaral sa mga nakalipas na dekada, at napatunayang ligtas at wala itong posibleng negatibo at pangmatagalang epekto.”

Isinaad ni G V Prasad, ang Co-Chairman at Managing Director ng Dr. Reddy’s Laboratories, na:

“Nagagalak kaming makipagtulungan sa RIDF para maibigay ang bakuna sa India. Nagpakita ng potensyal ang mga resulta ng Phase I and II, at isasagawa namin ang Phase-III ng mga trial sa India para matugunan ang mga pangangailangan ng mga tagapangasiwa sa India. Makakapagbigay ang bakunang Sputnik V ng mapagkakatiwalaang opsyon sa ating pakikipaglaban sa COVID 19 sa India.”

Sinabi ni Prof. Sergey Tsarenko, ang Deputy Chief Physician para sa Anesthesiology at Reanimation sa Hospital No. 52 sa Moscow, na

“Kaligtasan at pagiging epektibo ang pangunahing pamantayan para sa pagsusuri ng isang bakuna. Sa Sputnik V, tiniyak ang kaligtasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga adenoviral vector ng tao na paulit-ulit nating nararanasan sa buong buhay natin. Nakamit ang pagiging epektibo sa pamamagitan ng magkasunod na paggamit ng dalawang magkaibang adenovirus ng tao na dahilan ng pagiging iba ng platform na ito.”

Noong Agosto 11, ang bakunang Sputnik V na binuo ng Gamaleya National Research Institute of Epidemiology and Microbiology ay ipinarehistro ng Ministry of Health ng Russia at naging kauna-unahang rehistradong bakuna laban sa COVID-19 na batay sa platform ng mga adenoviral vector ng tao sa mundo. Available ang detalyadong impormasyon tungkol sa bakunang Sputnik V, ang teknolohikal na platform ng mga adenoviral vector ng tao, at iba pang detalye sa sputnikvaccine.com

Noong Setyembre 4, isang research paper tungkol sa mga resulta ng Phase I at Phase II ng mga clinical trial ng bakunang Sputnik V ang nalathala sa The Lancet, isa sa mga nangungunang international na lathalain sa medisina, na walang ipinapakitang negatibong epekto at nagpapakita ng matatag na immune response sa 100% ng mga kalahok. Kasalukuyang isinasagawa ang mga clinical trial pagkatapos ng pagpaparehistro ng bakunang Sputnik V na kisasangkutan ng 40,000 boluntaryo. Mahigit 55,000 boluntaryo ang nag-apply na maging bahagi ng mga trial pagkatapos ng pagpaparehistro. Inaasahang malalathala ang mga unang resulta ng mga trial na ito sa Oktubre-Nobyembre 2020.

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang sovereign wealth fund ng Russia na itinatag noong 2011 para gumawa mga equity co-investment na umpisa sa Russia kasama ang mga mapagkakatiwalaang financial at strategic investor sa buong mundo. Ang RDIF ay nagsisilbing tagapagsimula ng direktang investment sa ekonomiya ng Russia. Nasa Moscow ang kumpanya ng pamamahala ng RDIF. Sa kasalukuyan, nakaranas ang RDIF ng matagumpay na joint na pagpapatudad ng mahigit 80 proyekto kasama ang mga partner sa ibang bansa na may kabuuang mahigit RUB1.9 tn at nasasaklawan ang 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio company ng RDIF ay may mahigit 800,000 empleyado at kumikita ng perang katumbas ng mahigit 6% ng GDP ng Russia. Bumuo ang RDIF ng mga joint strategic partnership kasama ang mga nangungunang co-investor sa buong mundo mula sa mahigit 18 bansa na may kabuuang mahigit $40 bn. Makakakita ng karagdagang impormasyon sa www.rdif.ru

Tungkol sa Dr. Reddy’s: Ang Dr. Reddy’s Laboratories Ltd. (BSE: 500124, NSE: DRREDDY, NYSE: RDY) ay isang integrated na parmasyutikong kumpanyang nakatuon sa pagbibigay ng abot-kaya at bagong gamot para sa mas malulusog na pamumuhay. Sa pamamagitan ng tatlong negosyo nito - Pharmaceutical Services & Active Ingredients, Global Generics, at Proprietary Products – nag-aalok ang Dr. Reddy’s ng portfolio ng mga produkto at serbisyo kabilang ang mga API, custom na parmasyutikong serbisyo, generic, biosimilar, at differentiated formulation. Ang aming mga pangunahing bahagi ng panggagamot ay nakatuon sa gastrointestinal, cardiovascular, diabetology, oncology, pagpapahupa ng pananakit, at dermatology. Nag-o-operate ang Dr. Reddy’s sa mga merkado sa buong mundo. Kasama sa aming mga pangunahing merkado ang – USA, India, Russia at mga bansa sa CIS, at Europe. Para sa higit pang impormasyon, mag-log in sa: www.drreddys.com


Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay:

Arseniy Palagin
Russian Direct Investment Fund
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Mobile: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Dr. Reddy’s Laboratories Ltd.
Amit Agarwal, Investor Relations
Tel: +91-40-49002135 
E-mail: [email protected]

Aparna Tekuri, Media Relations
Tel: +91-40- 49002446
E-mail: [email protected]

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!