Ipinaabot ni Hans Kluge, ang Regional Director para sa Europe sa World Health Organization (WHO), ang kanyang pasasalamat sa mga boluntaryong lumahok sa pagsubok sa bakuna ng Russia laban sa COVID-19, at nagpahayag siya ng kumpiyansang magkakaroon ng mga positibong resulta ang ikatlong phase ng pagsubok.
“Sa kasalukuyan, sinimulan ng Russian Federation ang phase III ng pagsubok sa bakunang ito, kung saan susuriin ang kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna sa napakalaking grupo ng mga tao. At gusto kong ipahayag ang aking pasasalamat sa lahat ng boluntaryong lumahok sa pagsubok sa bakunang ito sa panahon ng ikatlong phase,” sabi ni Kluge sa mga mamamahayag pagkatapos ng kanyang pakikipagpulong sa pamunuan sa Rospotrebnadzor (ang Pederal na Serbisyo para sa Pangangasiwa sa Pagpoprotekta sa Mga Karapatan ng Consumer at Kapakanan ng Tao).
Idinagdag niyang mayroong kasunduan sa pagitan ng WHO at Ministro ng Pangangalagang Pangkalusugan ng Russian Federation, at alinsunod doon, masusing pag-aaralan ng organisasyon ang mga resulta ng pagsubok kasunod ng phase III, pagkatapos ng proseso ng pagkuha sa mga ito.
“Pero siguradong sigurado akong magiging positibo ang mga resulta, dahil nagtrabaho ako sa Russia sa loob ng maraming taon, at alam kong may mayamang kasaysayan ang Russia pagdating sa pagbuo ng mga bakuna, paggawa ng mga ito, at gawain sa immunization,” pagbubuod ni Kluge.
Kamakailan, ipinarehistro ng Ministro ng Pangangalagang Pangkalusugan ng Russia ang pinakaunang bakuna sa mundo para makatulong na maiwasan ang COVID-19; binuo ito ng Gamaleya Scientific Research Center of Epidemiology and Microbiology, sa pakikipagtulungan sa Russian Direct Investment Fund (RDIF). Tinawag itong “Sputnik V.”
Isinaad ni Kirill Dmitriyev, ang director ng RDIF, na mahigit 20 bansa ang nagsumite ng mga aplikasyon para sa pondo para makakuha ng isang bilyong dosis ng bakuna laban sa coronavirus na ginawa sa Russia. Kasunod noon, binigyang-diin niyang nagkaroon ng mga kasunduan ang Russia sa paggawa ng bakuna sa ibang bansa, sa limang bansa, at nagbibigay-daan na ngayon ang available na dami ng paggawa sa paggawa ng 500 milyong dosis kada taon.
ISINALIN MULA SA RUSSIAN
Matagumpay na naipadala ang mensahe!