Newsroom

Vacuna de Rusia contra el coronavirus: la historia del Sputnik, el satélite que mantiene vivo el orgullo ruso

Ang bakuna laban sa coronavirus ng Russia: ang kuwento ng bagong Sputnik na ipinagmamalaki ng Russia

Pagkatapos ianunsyo ng pamahalaan ng Russia ang paggawa ng pangontra sa coronavirus, iniulat na ang pangalang pinili para sa sayantipikong imbensyong ito, na makakatulong labanan ang pandemya, ay Sputnik V – na nagpapaalala sa unang paglusong sa kalawakang ginawa ng bansa.

“Ngayong umaga, sa unang pagkakataon sa mundo, opisyal na nairehistro ang isang bakunang panlaban sa coronavirus,” pahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Russia, tinitiyak na garantisado ang bisa ng imbensyon, sa kabila ng hindi pa pagsasagawa ng malawakang pagsusuri para tanggapin ito bilang solusyon na tiyak na pupuksa nang tuluyan sa pandemya.

Ang pangalang ginamit upang irehistro ang bagong gamot, ang Sputnik V, ay nagpapaalala sa ginintuang panahon ng pananaliksik ng Soviet sa kalawakan.

Noong Oktubre 1957, ang Sputnik 1 ay inilunsad, ang unang artipisyal na satellite na nagsimula ng pag-uunahan sa kalawakan at nagpakilala sa Soviet Union bilang nangunguna sa larangan. Ang diameter ng device ay 58 sentimetro, 84 na kilo ang bigat nito, mayroong 4 na antenna na nakakabit dito, at umaandar ito sa velocity na 29,000 kilometro kada oras.

Ang pangalan ng device ay hindi naglulan ng anumang partikular na lihim: pinili ang Russian na salitang “sputnik” (kasama sa paglalakbay), at ngayon umuusbong ulit ito, bagama't sa kontekstong napakalayo sa pagsulong sa kalawakan.

Tatlong buwan pagkatapos mailunsad, bumalik ang Sputnik 1 sa Earth at nakalas-kalas ito sa pagpasok nito sa himpapawid, bagama't lumipad ito at nagtungo sa malayo upang tugunan ang misyon nito, at sinimulan nitong isulat ang makasaysayang tagpo nang muli itong hiranging superpower.

Noong mga taong iyon, matindi ang pagkukumpitensya ng Soviet Union at Estados Unidos para sa pangingibabaw sa kalawakan, at masidhi ang pagnanais ng dalawang bansang ipakita ang kanilang sayantipikong potensyal.

Sa kontekstong ito, nagsisimulang umusbong muli ang kumpetisyong ito, ngunit ngayon, nakatuon ito sa paghahanap ng medikal na produktong makakatulong na puksain ang hindi inaasahan at lubos na nakakahawang virus na ito, na may mga epektong nararanasan sa buong planeta.

Sa kasalukuyan, bumuo ang Russia at Estados Unidos ng sari-sariling produktong gamot upang makatulong na magprotekta laban sa coronavirus, ngunit sa ngayon, si Putin ang nagdeklara ng balitang nagbibigay-diin na kaya ng bakuna ng Russia na gumawa ng malakas na immune response laban sa virus.

Message has been successfully sent!