Balita

Ang Belarus ang naging unang banyagang bansa na nagparehistro sa bakunang Sputnik V

Ang produksyon ng bakuna ay ilulunsad din sa bansa

Moscow, Disyembre 21, 2020 - Inanunsyo ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso) na ang Sputnik V, ang bakuna laban sa coronavirus ng Ruso, ay inirehistro ng Ministeryo of Kalusuagn ng Republika ng Belarus. Sa gayon, ang Belarus ay naging unang banyagang bansa na opisyal na nagrehistro sa bakuna.

Ang pagbabakuna ng mga boluntaryong tao sa Belarus ay sinimulan noong Oktubre 1 bilang bahagi ng dobleng-bulag, pasumala, placebo-controlled na klinikal na pagsubok ng bakunang Sputnik V na pinondohan ng RDIF, na kinasasangkutan ng 100 katao sa walong institusyong medikal na napili bilang mga sentro ng pagsasaliksik sa Belarus.

Isinasaalang-ala din ng Ministeryo ng Kalusugan ng Belarus ang mga datos na nakuha sa panahon ng Ika-III Yugto na mga klinikal na pagsubok ng bakuna sa Ruso. Noong Disyembre 14, inihayag ng Pambansang Sentro ng Gamaleya at RDIF ang pagususuri ng mga datos ng pangatlo at panghuling control point na natanggap 21 araw pagkatapos ibigay ang unang dosis sa mga boluntaryong tao. Ang pagiging epektibo ng bakuna ay 91.4%.

Ang kalkulasyon ay batay sa pagsusuri ng mga datos ng mga boluntaryong tao (n = 22,714) na parehong nakatanggap ng una at pangalawang dosis ng bakunang Sputnik V o placebo sa pangatlo at panghuling control point ng 78 kumpirmadong kaso alinsunod sa protokol ng ika-III Yugtong klinikal na pagsubok.

Ang bakuna ay nagpakita ang 100% pagiging epektibo laban sa mga malubhang kaso ng coronavirus. Mayroong 20 malubhang kaso ng impeksyon sa coronavirus sa mga kumpirmadong kaso sa pangkat ng placebo at walang malubhang kaso sa grupo ng bakuna.

Ang paglulunsad ng lokal na produksyon ng bakunang Sputnik V sa Belarus ay kasalukuyang isinasagawa sa pakikipagtulungan sa RDIF.

Ani ni Kirill Dmitriev, Punong Ehekutibong Opisyal ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund):

“Ang Belarus ay naging unang bansa na lumahok sa mga internasyonal na klinikal na pagsubok ng bakunang Sputnik V, at ang unang bansa na opisyal na nagrehistro nito pagkatapos ng Ruso. Ang mga dalubhasa at ang Ministeryo ng Kalusugan ng Belarus ay lubos na pinupuri ang kaligtasan at pagiging epektibo ng bakunang Sputnik V na batay sa isang lubos na napag-aralang platapormang adenoviral vector ng tao. Ang pagpaparehistro ng bakuna sa Belarus at ang lokal na produksyon ay makakatulong sa pagpabilis ng pagbabakuna ng populasyon at protektahan ang mga mamamayan ng Belarus gamit ang isa sa pinakamabisang bakuna na magagamit sa mundo ngayon.”

***

Ang Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF) ay isang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso na itinatag noong 2011 upang makagawa ng mga equity co-investment, karamihan sa Ruso, kaagapay ang mga kagalang-galang na pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Ruso. Nakabase sa Moscow ang kumpanya ng pamamahala ng RDIF. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkakasabay na pagpapatupad ng higit sa 80 proyekto kasama ang mga dayuhang kasosyo, na umaabot sa higit sa RUB 1.9 trilyon at sumasaklaw sa 95% ng rehiyon ng Pederasyong Ruso. Ang mga kumpanya sa portpolyo ng RDIF ay gumagamit ng higit sa 800,000 katao at nagbubunga ng kita na katumbas ng higit sa 6% ng GDP ng Ruso. Ang RDIF ay nagtaguyod ng pinagsamang estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang internasyonal na kasosyo sa pamumuhunan mula sa higit sa 18 bansa at kabuuang halaga na higit sa $40 bilyon. Matatagpuan ang karagdagang impormasyon sa rdif.ru

Mga tao pwedeng maka-ugnayan para sa karagdagang impormasyon:

Arseniy Palagin
Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Mobile: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!