Balita

Ang pandaigdigang kampanya ng bakunang #SputnikV COVID-19 ay magiging live sa social media

Moscow, Nobyembre 9, 2020 – Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF), ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia, at ang Gamaleya National Center for Microbiology and Epidemiology, na suportado ng mga pandaigdigang kasosyo, ay naglulunsad ng kampanya sa lahat ng pangunahing social media platform para magbigay ng napapanhong impormasyon at paigtingin ang kaalaman tungkol sa Russian COVID-19 na bakuna sa buong mundo. Gagamitin ng kampanya ang hashtag na #SputnikV.

Tututok ang social media na kampanya sa progres ng mga klinikal na pagsubok, produksiyon at maramihang pagbabakuna ng #SputnikV sa magkakaibang bansa. Sa panahon ng kampanya, ang mga scientist ng Gamaleya Center ay magkukuwento tungkol sa teknolohiya at paglikha ng #SputnikV na bakuna, habang ang mga taong nakatanggap ng iniksiyong #SputnikV ay magbabahagi ng kanilang mga personal na karanasan at nasasaisip.

Ang mga social media channel ng #SputnikV ay magiging pangunahing plataporma sa eksklusibong paghahatid ng pangunahing balita tungkol sa bakuna, paglathala ng pinakabagong data sa bilang ng mga taong nabakunahan at data sa produksiyon ng bakuna. Ang mga channel ay mayroon ding mga live na kaganapan na may pangunahing anunsiyo at komentaryo ng eksperto. Ang impormasyon tungkol sa #SputnikV ay makukuha sa mga sumusunod na plataporma:

Sa Twitter

Sa Facebook

Sa Instagram

Sa Youtube

Ang #SputnikV ay ang pinaka-una sa mundong nakarehistrong bakuna batay sa mabuting napag-aralang human adenoviral vector-based na plataporma. Sa kasalukuyang nakaranggo ito kasama ng pangunahing-10 kandidatong bakuna papalapit sa katapusan ng mga klinikal na pagsubok at simula ng maramihang produksiyon sa listahan ng World Health Organization (WHO). Nagsumite ang Russia ng mga aplikasyon sa WHO para sa pinabilis na pagpaparehistro at paunang kuwalipikasyon ng #SputnikV.

Kaugnay sa isinasagawang post-registration na klinikal na pagsubok sa #SputnikV sa Russia ang 40,000 boluntaryo. Ang mga klinikal na pagsubok sa #SputnikV ay inanunsiyo sa UAE, India, Venezuela at Belarus.

Si Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund, ay nagkomento:

“Tututok ang aming social media na kampanya sa pagbibigay ng napapanahong impormasyon tungkol sa pagsusumikap namin sa bakuna para sa pandaigdigang manonood ngunit higit pa diyan, nilalayon din nitong bigyan ang sangkatauhan ng pag-asa na malapit na silang makalaya mula sa COVID-19 na pandemiko at makabalik sa normal na buhay na walang mga lockdown at facemask. Sa buhay na ito, ang mga tao ay muling makikipagkita sa mga kaibigan, makakapunta sa mga museo, teatro at restaurant pati na ang magbiyahe sa iba’t ibang bansa. Mananatiling bukas muli ang mga negosyo at magbibigay ng mga trabahong gagarantiya sa kabutihan ng kalagayan para sa mga empleyado at mga pamilya nila. Inaanyayahan namin ang lahat ng tao sa iba’t ibang bansa na sumali sa aming kampanya at suportahan ang ating pagsusumikap sa #SputnikV na bakuna”.

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinasiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB1.9 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru

Para sa karagdagang impormasyon, kontakin:

Arseniy Palagin
Russian Direct Investment Fund
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Mobile: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!