Balita

Ang Sputnik V ay awtorisado sa 26 bansa

Ang Sputnik V ay aprubado na sa Montenegro at Saint Vincent at ang Grenadines.

Ang Sputnik V ay kabilang sa nangungunang 3 bakunang panglaban sa coronavirus na may maraming ipinagkaloob na awtorisasyon sa buong mundo.

Moscow, Pebrero 12, 2021 – Inanunsyo ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso) na ang bakuna ng Ruso na Sputnik V panglaban sa coronavirus ay aprubado na sa Montenegro at Saint Vincent at ang Grenadines. Sa kabuuan, ang Sputnik V ay awtorisado sa 26 bansa.

Ang Saint Vincent at ang Grenadines ay ang unang islang bansa sa Caribbean na nagrehistro sa Sputnik V.

Parehong inaprubahan ang bakuna sa Montenegro at sa Saint Vincent at ang Grenadines sa ilalim ng proseso ng awtorisasyon para sa emerhensyang paggamit nang walang mga karagdagang klinikal na pagsubok sa bansa. Ang Sputnik V ay isa sa nangungunang tatlong bakunang panglaban sa coronavirus sa buong mundo sa aspeto ng dami ng mga pag-apruba na ibinigay ng mga tagapangasiwa ng pamahalaan.

Ang bakuna ay mas maagang inaprubahan sa Ruso, Belarus, Arhentina, Bolibyia, Serbia, Algeria, Palestina, Venezuela, Paragway, Turkmenistan, Unggarya, UAE, Iran, Republika ng Guinea, Tunisiya, Armenya, Mehiko, Nikaragwa, Republika ng Srpska (entidad ng Bosnia at Herzegovina), Lebanon, Myanmar, Pakistan, Mongolia at Bahrain.

Ani ni Kirill Dmitriev, Punong Ehekutibong Opisyal ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund):

“Sa katapusan ng linggong ito, ang Sputnik V ay inaprubahan sa 26 bansa sa Europa, Latino Amerika, Gitnang Silangan, Aprika, Asya at Hilagang Amerika, mas higit ito sa planong mas maaga nang ipinahayag ng RDIF. Ang mga inilathalang datos ng klinikal na pagsubok sa Lancet ay nagpakita ng mataas na pagkabisa at kaligtasan sa bakuna, ang bakuna ay may mas madaling ihatid at may abot-kayang presyo. Ang Sputnik V ay pandaigdig na kilala bilang isa sa mga pangunahing bakuna na makakatulong sa pagprotekta ng sangkatauhan at manumbalik sa normal na buhay.”

Ang Sputnik V ay may ilang mga pangunahing kahigtan:

  • Ang pagkabisa ng Sputnik V ay 91.6% na kinumpirma ng mga inilathalang datos sa Lancet, isa sa mga pinakamatanda at pinakarespetadong medikal na periyodiko sa mundo; ito ay isa lamang sa tatlong bakuna sa mundo na may pagkabisa na higit sa 90%. Ang Sputnik V ay nagbibigay ng buong proteksyon laban sa malalang kaso ng COVID-19

  • Ang Sputnik V ay batay sa napatunayan at lubos na napag-aralang plataporma ng mga vector ng adenovirus sa tao na siyang sanhi ng sipon at higit ilang libong taon ng naririto sa mundo.

  • Ang Sputnik V ay gumagamit ng dalawang magkakaibang vector para sa dalawang inyiksyon sa proseso ng pagbabakuna, upang magbigay ng mas mahabang panahon ng immunity (kaligtasan sa sakit) kaysa sa mga bakunang gumagamit ng parehong mekanismo ng pagbibigay ng bakuna para sa dalawang inyiksyon.

  • Ang kaligtasan, pagkabisa, at kakulangan ng pangmatagalang masamang epekto ng mga bakuna batay sa mga adenovirus ay nakumpirma ng higit 250 klinikal na pag-aaral na isinagawa sa higit dalawang dekada.

  • Ang mga taong gumawa ng Sputnik V ay nakikipagtulungan sa AstraZeneca sa isang pinagtambal na klinikal na pagsubok upang pabutihin ang pagkabisa ng bakuna ng AstraZeneca.

  • Ang Sputnik V ay hindi nagdulot ng matinding alerhiya.

  • Ang Sputnik V ay itinatago sa temperaturang 2-8 Sentigrado, ito ay nangangahuligang pwede ito itago sa pangkaraniwang pridyeder ng hindi nangangailangan ng karagdagang gastos sa imprakturang cold-chain.

  • Ang halaga ng Sputnik V ay mas mababa sa $10 bawat iniksyon, kaya ito ay ang pinaka-abot-kayang bakuna sa mundo.

***

Ang Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF) ay isang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso na itinatag noong 2011 upang makagawa ng mga equity co-investment, karamihan sa Ruso, kaagapay ang mga kagalang-galang na pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Ruso. Ang kumpanyang namamahala sa RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkakasabay na pagpapatupad ng higit sa 80 proyekto kasama ang mga dayuhang kasosyo, na umaabot sa higit sa RUB 2 trilyon at sumasaklaw sa 95% ng rehiyon ng Pederasyong Ruso. Ang mga portpolyong kumpanya ng RDIF ay gumagamit ng higit sa 800,000 katao at nagbubunga ng kita na katumbas ng higit sa 6% ng GDP ng Ruso. Ang RDIF ay nagtaguyod ng pinagsamang estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang internasyonal na kasosyo sa pamumuhunan mula sa higit sa 18 bansa at kabuuang halaga na higit sa $ 40 bilyon. Makikita ang karagdagang impormasyon sa rdif.ru

Makipag-ugnayan para sa karagdagang impormasyon:

Alexey Urazov
Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso
Direktor ng Panlabas na Komunikasyon

Mobile: +7 915 312 76 65
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler

Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!