Moscow, Oktubre 27, 2020 – Nagsumite ang Russian Direct Investment Fund, (RDIF, ang sovereign wealth fund ng Russia) ng aplikasyon sa World Health Organization (WHO) para sa pinabilis na pagpaparehistro (Emergency Use Listing, EUL) at prequalification ng unang nakarehistrong bakuna laban sa coronavirus sa mundo na Sputnik V, na nakabatay sa masusing pinag-aralang platform ng mga human adenoviral vector. Ang Russian Federation ang naging isa sa mga bansang unang nag-apply sa WHO para sa prequalification ng bakuna nito laban sa impeksyong dulot ng novel coronavirus.
Ang Prequalification of Medicines Programme ay isang programa ng United Nations na pinamamahalaan ng WHO. Ito ang tanging programa para sa pagtiyak sa kalidad ng mga gamot sa buong mundo. Tinatasa ng prequalification ng WHO para sa mga gamot ang kalidad, kaligtasan, at pagkamabisa ng mga gamot. Mapapabilang ang isang produkto sa medisina sa listahan ng mga prequalified na produkto sa medisina na napapailalim sa pagsunod sa mga itinakdang kahingian at pamantayan ng WHO.
Sa nagaganap na pandemya, sa tulong ng pinabilis na pagpaparehistro ng bakuna sa ilalim ng prosesong EUL, mas mabilis na magiging available sa buong mundo ang bakuna mula sa Russia kaysa sa mga karaniwang proseso at masusuportahan nito ang pagsusumikap sa buong mundo na pigilan ang impeksyong dulot ng coronavirus. Kapag naging matagumpay ang prequalification, mapapabilang ang Sputnik V sa listahan ng mga gamot na ginagamit ng mga pandaigdigang procurement agency at mga bansa upang magsilbing gabay sa maramihang pagbili ng mga gamot.
Ipinahayag ni Kirill Dmitriev, ang CEO ng Russian Direct Investment Fund, na:
“Ang Russian Federation ang unang magparehistro ng bakuna laban sa coronavirus sa mundo, ang Sputnik V, na ginawa sa isang ligtas, mabisa, at masusing pinag-aralang platform ng mga human adenoviral vector. Nagsumite kami ng apliksyon para sa Emergency Use Listing at prequalification para sa bakuna ng World Health Organization, na magbibigay-daan sa Sputnik V na mapabilang sa listahan ng mga produkto sa medisina na nakakatugon sa mga nangungunang pamantayan sa kalidad, kaligtasan, at pagkamabisa. Nagpapasalamat kami sa WHO para sa kanilang aktibong pakikipagtulungan at umaasa kaming magiging matagumpay ang pagtatapos ng proseso ng prequalification sa lahat ng pangunahing yugto.”
***
Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang sovereign wealth fund ng Russia na itinatag noong 2011 upang gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga mapagkakatiwalaang pandaigdigang pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ang nagsisilbing catalyst para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kumpanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay matagumpay nang nakapagpatupad ng mahigit 80 proyekto kasama ng mga dayuhang kasosyo na umaabot sa RUB1.9 tn sa kabuuan at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio company ng RDIF ay nagbibigay ng trabaho sa mahigit 800,000 tao at kumikita ng halagang katumbas ng mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nakapagtatag ang RDIF ng kapwa estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang pandaigdigang co-investor mula sa mahigit 18 bansa na umaabot sa mahigit $40 bn sa kabuuan. Makakakita ng karagdagang impormasyon sa rdif.ru
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina:
Arseniy Palagin Russian Direct Investment Fund Press Secretary Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395 Mobile: +7 916 110 31 41 E-mail: [email protected]
Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya Hudson Sandler Tel: +44 (0) 20 7796 4133
Matagumpay na naipadala ang mensahe!