Balita

Inanunsyo ng RDIF ang paghahatid ng unang batch ng bakunang Sputnik V sa Venezuela para sa mga klinikal na pagsubok

Moscow, Oktubre 2, 2020 – Inanunsyo ng sovereign wealth fund ng Russia na Russian Direct Investment Fund (RDIF) ang paghahatid ng unang batch ng bakuna ng Russia laban sa coronavirus, ang Sputnik V, sa Bolivarian Republic of Venezuela. Ang bakunang Sputnik V ay batay sa isang platform ng mga human adenoviral vector na nag-iisa sa mundo na nakapagpatunay ng pangmatagalang kaligtasan at pagkamabisa nito.

Magsisimula ang pagbabakuna ng mga boluntaryo sa mga susunod na araw bilang bahagi ng mga double-blind, naka-randomize, at placebo-controlled na klinikal na pagsubok ng bakunang Sputnik V. Ang Venezuela ang unang bansa sa Latin America na magsisimula ng mga klinikal na pagsubok ng bakunang Sputnik V pagkatapos itong maiparehistro sa Russia [may 2000 taong makikibahagi sa pagsubok].

Noong Agosto 11, ipinarehistro ng Ministry of Health ng Russia ang bakunang Sputnik V na ginawa ng Gamaleya National Research Institute of Epidemiology and Microbiology at naging kauna-unahan sa mundo na ipinarehistrong bakuna laban sa COVID-19 batay sa platform ng mga human adenoviral vector. Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa bakunang Sputnik V, sa teknolohikal na platform ng mga human adenoviral vector, at iba pang detalye sa sputnikvaccine.com

Noong Setyembre 4, inilathala ang papel sa pananaliksik tungkol sa mga resulta ng Phase I at Phase II na klinikal na pagsubok ng bakunang Sputnik V sa The Lancet, isa sa mga nangungunang internasyonal na medikal na journal. Kasalukuyang isinasagawa ang mga klinikal na pagsubok matapos ang pagpaparehistro para sa bakunang Sputnik V kung saan may 40,000 boluntaryong nakikibahagi. Mahigit sa 60,000 boluntaryo ang nag-apply upang makibahagi sa mga pagsubok matapos ang pagpaparehistro. Inaasahang mailathala ang mga unang resulta ng mga pagsubok na ito sa Oktubre-Nobyembre 2020.

Nakatanggap ng mga order ang RDIF para sa mahigit sa 1.2 bilyong dosis ng bakunang Sputnik V para sa 2020-2021.Mahigit sa 50 bansa sa Middle East, Asia, Latin America, Europe at CIS ang nag-apply para sa Sputnik V. Nag-anunsyo na ang RDIF ng mga kasunduan sa supply sa Mexico para sa 32 milyong dosis; sa Brazil para sa hanggang 50 milyong dosis; India – 100 milyong dosis; Uzbekistan – para sa hanggang 35 milyong dosis; Nepal – 25 milyong dosis.

Ayon kay Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund:

“Ang Venezuela ang unang bansa sa Latin America na makikibahagi sa mga klinikal na pagsubok ng ibang bansa para sa bakunang Sputnik V. Kasalukuyan nang isinasagawa ang mga pagsubok sa Belarus at higit pang pagsubok ang binabalak sa marami pang bansa, kabilang ang Brazil, India at United Arab Emirates. Habang gumagamit ang iba pang gumagawa ng bakuna ng mga bago at hindi pa gaanong napag-aaralang pamamaraan, gaya ng monkey adenovirus at mRNA, at may kinakaharap na mga hadlang sa mga klinikal na pagsubok, dumarami naman ang nagtitiwala sa Sputnik V at tumataas ang demand para rito sa maraming rehiyon, kabilang ang Latin America. Makakatulong ang bakuna sa mga mamamayan ng Venezuela sa pakikipaglaban nila sa coronavirus at handa tayong suportahan ang iba pang partner sa rehiyon”.

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay sovereign wealth fund ng Russia na itinatag noong 2011 upang magsagawa ng mga equity co-investment, na pangunahin sa Russia, kasama ng mga mapagkakatiwalaang pinansyal at madiskarteng mamumuhunan. Kumikilos ang RDIF bilang catalyst para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Nasa Moscow ang kumpanya sa pamamahala ng RDIF. Sa kasalukuyan, may karanasan na ang RDIF sa matagumpay na pinaghahatiang pagpapatupad ng mahigit sa 80 proyekto kasama ng mga partner mula sa ibang bansa na may kabuuang mahigit RUB1.9 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio company ng RDIF ay mayroong mahigit sa 800,000 tauhan at kumikita nang katumbas ng mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtatag ang RDIF ng mga pinaghahatiang madiskarteng pakikipagsosyo sa mga nangungunang internasyonal na co-investor mula sa mahigit sa 18 bansa na may kabuuang mahigit sa $40 bn. Makikita ang higit pang impormasyon sa rdif.ru

Contact para sa karagdagang impormasyon:

Arseniy Palagin
Russian Direct Investment Fund
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Mobile: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!