Balita

Inilunsad ang paggawa ng bakunang Sputnik V laban sa coronavirus ng Ruso sa Kazakhstan

Moscow, Disyembre 21, 2020 - Inanunsyo ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso) ang paglulunsad ng produksyon ng Sputnik V, ang unang rehistradong bakuna laban sa coronavirus, sa Kazakhstan.

Isang pagpapatunay na batch ang ginawa ngayon sa Karaganda pharmaceutical complex. Ipapadala ang batch para sa pagpapatunay sa gumawa ng bakuna - ang Pambansang Sentro ng Gamaleya. Ang Karaganda pharmaceutical complex is an innovative biotechnology production facility with the necessary equipment and qualified personnel in accordance with international standards. Thus, vaccine production is fixed in an unparalleled short period of time. RDIF and Gamaleya Center provide any necessary assistance to facilitate the transfer of technology.

Ang paggawa ng bakuna ay isinagawa sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng RDIF at ng Ministeryo ng Kalusugan ng Kazakhstan na nilagdaan noong Disyembre 4, 2020. Ang mga materyales na kinakailangan para sa paggawa ng unang batch ng bakuna ay naihatid sa Kazakhstan noong Disyembre 13. Hindi bababa sa 2 milyong dosis ng bakunang Sputnik V ang magagawa sa bansa.

Noong Disyembre 14, inanunsyo ng RDIF at ng Sentro ng Gamaleya ang pagsusuri ng mga datos sa panghuling control point ng ika-III Yugtong klinikal na pagsubok matapos ang pagrehistro ng bakunang Sputnik V sa Ruso, at ito ay nagpakita ng 91.4% ng paggiging epektibo ng Sputnik V.

Ang kalkulasyon ay batay sa pagsusuri ng mga datos ng mga boluntaryong tao (n = 22,714) na parehong nakatanggap ng una at pangalawang dosis ng bakunang Sputnik V o placebo sa pangatlo at panghuling control point ng 78 kumpirmadong kaso alinsunod sa protokol ng ika-III Yugtong klinikal na pagsubok.

Ang bakuna ay nagpakita ang 100% pagiging epektibo laban sa mga malubhang kaso ng coronavirus. Mayroong 20 malubhang kaso ng impeksyon sa coronavirus sa mga kumpirmadong kaso sa pangkat ng placebo at walang malubhang kaso sa grupo ng bakuna.

Ani ni Kirill Dmitriev, Punong Ehekutibong Opisyal ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund):

“Kami ay nagpapasalamat sa Ministeryo ng Kalusugan ng Kazakhstan para sa kanilang suporta sa pag-oorganisa ng produksyon ng bakuna sa isa sa aming pangunahing katuwang estado sa loob ng maikling panahon. Ang pagpapatupad ng todong produksyon ng Sputnik V sa Kazakhstan ay nakatulong sa amin upang mapalapit sa pagkamit ng aming magkaparehong layunin na tiyakin ang sapat na dami ng ligtas at mabisang bakuna upang maprotektahan ang populasyon mula sa impeksyon sa coronavirus. Kasalukuyan kaming nakikipagtulungan sa Ministeryo ng Kalusugan at sa Pambansang Sentro para sa Dalubhasa ng Mga Gamot at Medikal ng Kagamitan na responsable para sa mga pagtatasa ng bakuna, upang maparehistro ang bakuna sa Kazakhstan”.

***

Ang Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF) ay isang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso na itinatag noong 2011 upang makagawa ng mga equity co-investment, karamihan sa Ruso, kaagapay ang mga kagalang-galang na pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Ruso. Nakabase sa Moscow ang kumpanya ng pamamahala ng RDIF. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkakasabay na pagpapatupad ng higit sa 80 proyekto kasama ang mga dayuhang kasosyo, na umaabot sa higit sa RUB 1.9 trilyon at sumasaklaw sa 95% ng rehiyon ng Pederasyong Ruso. Ang mga kumpanya sa portpolyo ng RDIF ay gumagamit ng higit sa 800,000 katao at nagbubunga ng kita na katumbas ng higit sa 6% ng GDP ng Ruso. Ang RDIF ay nagtaguyod ng pinagsamang estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang internasyonal na kasosyo sa pamumuhunan mula sa higit sa 18 bansa at kabuuang halaga na higit sa $40 bilyon. Matatagpuan ang karagdagang impormasyon sa rdif.ru

Mga tao pwedeng maka-ugnayan para sa karagdagang impormasyon:

Arseniy Palagin
Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Mobile: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!