Balita

Ipinakita ng Pagtatasa ng Gamaleya Center na Ang Isang-Turok na Bakunang Sputnik Light (Unang Sangkap ng Bakunang Sputnik V) ay Nagpapakita ng 70% Epektibo Laban sa Impeksyon Mula sa Uring Delta sa Unang Tatlong Buwan Pagkatapos ng Pagbabakuna

  • Ang bakuna ay may higit 75% epektibo sa mga pinag-aaralang pasyenteng may edad na mas mababa sa 60 taong gulang. Ang Sputnik Light ay nagbibigay din ng mas mataas na epektibo laban sa malubhang sakit at pagpapa-ospital.

  • Ang Sputnik Light ay nagpakita ng higit na mahusay na epektibo kumpara sa ilang mga dalawang-turok na bakuna, na nagpakita ng malaking pagbaba ng epektibo laban sa uring Delta na mas mababa sa 50% limang buwan pagkatapos ng iniksyon.

  • Ang artikulong naglalaman ng pagsusuri ng epektibo ng pagbabakuna ng isang-turok na bakunang Sputnik Light laban sa uring Delta ay isinumite sa website ng medRxiv upang mailathala itong linggo.

  • Ang dalawang-turok na bakunang Sputnik V ay awtorisado sa 70 bansa na may kabuuang populasyon na umaabot sa higit sa 4 na bilyong katao.

  • Ang isang-turok na bakunang Sputnik Light ay awtorisado sa higit 15 bansa na may patuloy na pinoprosesong pagpaparehistro sa 30 iba pang bansa.

  • Ang Sputnik Light ay isang pangkalahatang booster (pampalakas) ng ibang mga bakuna: ang mga positibong datos mula sa mga klinikal na pag-aaral sa Arhentina at ibang mga bansa ay nagpakita ng mataas na kaligtasan at immunogenicity ng Sputnik Light na itinurok bilang booster ng mga bakuna ng ginawa ng ibang pabrikante.

  • Ang epektibo ng isang-turok na bakunang Sputnik Light bilang booster laban sa uring Delta para sa ibang mga bakuna ay malapit sa epektibo ng bakunang Sputnik V laban sa uring Delta: higit 83% laban sa impeksyon at higit 94% laban sa pagpapa-ospital.

Moskow, Oktubre 13, 2021 –Ipinahayag ngayon ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF) at ng Gamaleya National Research Center of Epidemiology and Microbiology ang mga resulta ng pagsusuri ng epektibo ng isang-turok na bakunang Sputnik Light laban sa impeksyon mula sa uring Delta ng coronavirus.

Ang Gamaleya Center ay nagsumite ng isang artikulo na pinag-aralan ang epektibo ng bakunang Sputnik Light laban sa uring Delta sa medRxiv preprint server ng mga agham pangkalusugan para mailathala sa linggong ito

I. Epektibo ng Sputnik Light bilang stand-alone na bakuna

Isinasaad sa artikulo na ang bakunang Sputnik Light na ibinibigay nang nag-iisa ay nagpakita ng 70% epektibo laban sa impeksyon mula sa uring Delta ng coronavirus sa unang tatlong buwan pagkatapos ng pagbabakuna. Ang bakuna ay 75% epektibo sa mga pinagaaralang pasyenteng edad na mas mababa sa 60 taong gulang. Ang Sputnik Light ay nagpakita ng higit na mahusay na epektibo kumpara sa ilang mga dalawang-turok na bakuna na nagpakita ng malaking pagbaba ng epektibo laban sa uring ng Delta na mas mababa sa 50% limang buwan pagkatapos ng pag-iniksyon

Ang paggamit ng Sputnik Light nang nag-iisa (stand-alone) ay nagbibigay din ng mas mataas na epektibo laban sa malubhang sakit at pagpapa-ospital.

Ang pagtatasa ay isinagawa batay sa mga datos mula sa 28,000 kalahok na nakatanggap ng isang dosis ng Sputnik Light, kumpara sa pangkontrol na pangkat na may 5.6 milyong katao na hindi nabakunahan. Ang mga datos na ginamit sa pag-aaral ay kinolekta noong Hulyo 2021 sa Moskow.

II. Epektibo ng Sputnik Light bilang pagturok ng booster

Ang isang-turok na pamamaraan ng pagbabakuna ng Sputnik Light ay may maraming pangunahing kabutihan, kabilang ang kadalian ng pagbibigay ng bakuna, pagsubaybay at mas madaling iakma na pag-iskedyul ng muling pagbabakuna kapag ginamit ito bilang booster.

Ang epektibo ng isang-turok na Sputnik Light bilang booster laban sa uring Delta para sa ibang mga bakuna ay malapit sa epektibo ng bakunang Sputnik V laban sa uring Delta: higit 83% laban sa impeksyon at higit 94% laban sa pagpapa-ospital.

III. Mga datos ng Sputnik Light sa totoong mundo at mga pag-aaral ng kumbinasyong paggamit sa ibang mga bakuna

Ang bakunang Sputnik Light ay batay sa human adenovirus serotype 26, ang unang sangkap ng Sputnik V - ang unang rehistradong bakuna laban sa coronavirus sa buon mundo. Ang Sputnik Light ay awtorisado sa higit 15 bansa at may patuloy na pinoprosesong pagpaparehistro sa 30 iba pang bansa. Ang Sputnik Light ay gagawin ng mga internasyonal na kasosyo ng RDIF sa higit 10 bansa (Indiya, Tsina, Timog Korea, Vietnam, Mexico, Arhentina, Serbia, Turkey, atbp.). Kasama rito ang Serum Institute of India, ang pinakamalaking tagagawa ng bakuna sa buong mundo.

Ang Sputnik Light ay napatunayan na ligtas at lubos na epektibo ng mga datos ng pagbabakuna ng totoong mundo mula sa maraming bansa. Sa partikular, ang bakuna ay nagpakita ng epektibo sa pagitan ng 78.6-83.7% sa mga matatanda na kinumpirma ng Ministeryo ng Kalusugan ng Buenos Aires, Arhentina. Natagpuan din ng Ministeryo ng Kalusugan ng Paragway na ang Sputnik Light ay may 93.5% epektibo sa patuloy na kampanya sa pagbabakuna sa bansa.

Salamat sa kaligtasan at epektibo nito, ang isang-turok na bakunang Sputnik Light ay parehong ginagamit na ngayon bilang nag-iisang bakuna (stand-alone) at pinag-aralan sa kumbinasyong paggamit kasama ang mga bakuna mula sa ibang mga tagagawa mula sa maraming bansa.

Ang pamamaraan ng pampalakas gamit ang magka-ibang bakuna (heterogeneous boosting approach) (isang “halu-halong pagbabakuna” na gumagamit ng human adenovirus serotype 26 bilang unang sangkap at human adenovirus serotype 5 bilang pangalawang sangkap) ang kaloob-looban ng Sputnik V. Ang pamamaraang ito ay napatunayan na matagumpay sa pagbuo ng mas matagal at higit na matibay na panlaban sa sakit na dulot ng coronavirus. Pinasimulan ng RDIF ang pakikipagsosyo sa ibang mga tagagawa ng bakuna upang magsagawa ng katambalang pag-aaral sa kumbinasyon ng unang sangkap ng Sputnik V sa ibang mga bakuna.

Ang mga nasabing pag-aaral ay kasalukuyang isinasagawa sa Ruso, Arhentina, Azerbaijan at UAE, bukod sa iba pa.

Sa partikular, ang RDIF, Ministeryo ng Kalusugan ng Arhentina, Ministeryo ng Agham ng Arhentina at CONICET ay nagsasagawa ng isang pag-aaral upang suriin ang tugon ng sistemang panlaban ng sakit (immune response) at kaligtasan ng halu-halong pamamaraan ng pagbabakuna na pinagsama ang Sputnik Light at mga bakunang ginawa ng AstraZeneca, Sinopharm at Moderna sa lungsod at lalawigan ng Buenos Aires, pati na rin ang mga lalawigan ng San Luis, Cordoba at La Rioja. Ang mga paunang resulta ng pag-aaral ay nagkumpirma ng mataas na kaligtasan ng mga kumbinasyon nang walang malubhang masamang epekto na nauugnay sa pagbabakuna

Ang mga paunang resulta ng kumbinasyong paggamit ng bakunang AstraZeneca at Sputnik Light mula sa isang klinikal na pagsubok sa Azerbaijan ay nagpakita na ang mga antibodies laban sa SARS-CoV-2 virus spike protein (S-protein) ay naitala sa 100% ng mga boluntaryo. Ang kumbinasyong paggamit ng mga bakuna ay nagpakita rin ng mataas na kaligtasan nang walang seryosong masamang epekto o kaso ng impeksyon ng coronavirus pagkatapos ng pagbabakuna.

Komento ni Denis Logunov, Pumapalawang Direktor ng Gamaleya Center:

“Ang uring Delta ng coronavirus ay isa sa mga pinaka-karaniwan at mapanganib na uri. Ang pagsusuri ng mga datos na ipinakita sa artikulo ng Gamaleya Center ay nagpakita na ang Sputnik Light ay nananatiling lubos na epektibo maraming buwan pagkatapos ng pagbabakuna. Ang mga resulta na nakuha sa panahon ng pag-aaral ay makabuluhang nilampasan ang ibang mga bakuna, tulad ng dating nang nailathala sa siyentipikong midya.

Ang isang-turok na pamamaraan ng pagbabakuna ang nagdulot sa bakuna upang maging matatag na solusyon para sa mga bansang may mababang antas ng pagbabakuna. Biloang isang pangturok ng booster, ang Sputnik Light ay maaari ding matagumpay na magamit para sa pagpapanatili ng umiiral na herd immunity.”

Ani ni Kirill Dmitriev, CEO ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF):

“Ang mga resulta ng epektibo ng isang-turok na bakunang Sputnik Light laban sa uring Delta ng coronavirus ay makabuluhang linagpasan ang ilang mga dalawang-turok na bakuna. Ang napakahalaga ay kinumpirma ng mga datos mula sa Gamaleya Center na ang isang-turok na bakunang Sputnik Light ay kabilang sa mga pinakamahusay na bakuna laban sa coronavirus. Kinumpirma din ito ng ilang iba pang mga pag-aaral.

Ang Sputnik Light ay ligtas at lubos na epektibo sa parehong paggamit--bilang stand-alone (nag-iisa) at kapag isinama sa ibang bakuna. Ang bakuna ay nagbibigay-daan sa kakayahang umangkop sa pagbabakuna ng populasyon, ito ay tumutulong sa pagbuo ng pangunahing kaligtasan sa sakit at epektibong muling pagbabakuna para sa mga tong tumanggap na ibang bakuna noong primero. Sa pagsaalang-alang ng mataas na kaligtasan at kahusayan nito, ang Sputnik Light ay maaaring maging pinakamahusay na pangkalahatang panturok ng booster sa buong mundo.

Aktibong sinusuportahan ng RDIF ang pagsasaliksik sa mga kumbinasyon ng Sputnik Light at ibang mga bakuna, at inimbitahan din ang mga independiyenteng internasyunal na mananaliksik at pang-agham na institusyon na makipagtulungan sa totoong mundong pag-aaral ng kaligtasan at epektibo ng mga bakunang laban sa coronavirus.”

***

Ang Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF) ay isang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso na itinatag noong 2011 upang makagawa ng mga equity co-investment, karamihan sa Ruso, at kaagapay ang mga kagalang-galang na internasyonal na pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Ruso. Ang kumpanyang namamahala sa RDIF ay naka base sa Moskow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkakasabay na pagpapatupad ng higit sa 80 proyekto kasama ang mga dayuhang kasosyo, na umaabot sa kabuuang RUB 2.1 trilyon at sumasaklaw sa 95% ng rehiyon ng Pederasyong Ruso. Ang mga portpolyong kumpanya ng RDIF ay gumagamit ng higit sa 1,000,000 katao at nagbubunga ng kita na katumbas ng higit sa 6% ng GDP ng Ruso. Ang RDIF ay nagtaguyod ng pinagsamang estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang internasyonal na kasosyo sa pamumuhunan mula sa higit sa 18 bansa at kabuuang halaga na higit sa $ 40 bilyon. Matatagpuan ang karagdagang impormasyon sa rdif.ru

Mga tao pwedeng maka-ugnayan para sa karagdagang impormasyon:

Alexey Urazov
Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso
Direktor ng Panlabas na Komunikasyon

Mobile: +7 915 312 76 65
E-mail: [email protected]

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!