Balita

Ang Sputnik V ay awtorisado sa Myanmar

Moscow, Pebrero 6, 2021 – Inanunsyo ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso) ang pagrehistro ng bakunang Sputnik V sa Myanmar.

Inaprubahan amn bakuna sa ilalim ng proseso ng awtorisasyon para sa emerhensyang paggamit nang walang mga karagdagang klinikal na pagsubok sa bansa.

Ang Myanmar ay naging ika-21 bansa sa buong mundo na nag-apruba sa bakunang Sputnik V. Ang bakuna ay mas maagang inaprubahan sa Ruso, Belarus, Arhentina, Bolibyia, Serbia, Algeria, Palestina, Venezuela, Paragway, Turkmenistan, Unggarya, UAE, Iran, Republika ng Guinea, Tunisiya, Armenya, Mehiko, Nikaragwa, Republika ng Srpska (entidad ng Bosnia at Herzegovina) at Lebanon.

Ani ni Kirill Dmitriev, Punong Ehekutibong Opisyal ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund):

“Ang Myanmar ay naging unang bansa sa Timog-Silangang Asya na opisyal na pinayagan ang paggamit ng Sputnik V, ang isa sa mga pinakaligtas at pinakamabisang bakuna laban sa coronavirus sa mundo. Hindi magtatagal, marami pang bansa sa rehiyon ang susunod sa Myanmar kapag nakita nating dumarami ang pangangailangan sa bakuna at handa kaming tumulong sa aming mga katuwang sa pagprotekta ng kalusugan ng mga tao.”

Ang Sputnik V ay may ilang mga pangunahing kahigtan:

  • Ang pagkabisa ng Sputnik V ay 91.6% na kinumpirma sa Lancet, isa sa mga pinakamatangda at pinakarespetadong medikal na periyodiko sa mundo; ito ay isa lamang sa tatlong bakuna sa mundo na may pagkabisa na higit sa 90%. Ang Sputnik V ay nagbibigay ng buong proteksyon laban sa malalang kaso ng COVID-19.

  • Ang Sputnik V ay batay sa napatunayan at lubos na napag-aralang plataporma ng mga vector ng adenovirus sa tao na siyang sanhi ng sipon at higit ilang libong taon ng naririto sa mundo.

  • Ang Sputnik V ay gumagamit ng dalawang magkakaibang vector para sa dalawang inyiksyon sa proceso ng pagbabakuna, upang magbigay ng mas mahabang panahon ng immunity (kaligtasan sa sakit) kaysa sa mga bakunang gumagamit ng parehong mekanismo ng pagbibigay ng bakuna para sa dalawang inyiksyon.

  • Ang kaligtasan, pagkabisa, at kakulangan ng pangmatagalang masamang pekto ng mga bakuna batay sa mga adenovirus ay nakumpirma ng higit 250 klinikal na pag-aaral na isinagawa sa higit dalawang dekada

  • Ang mga taong gumawa ng Sputnik V ay nakikipagtulungan sa AstraZeneca sa isang pinagtambal na klinikal na pagsubok upang pabutihin ang pagkabisa ng bakuna ng AstraZeneca.

  • Ang Sputnik V ay hindi nagdulot ng matinding alerhiya.

  • Ang Sputnik V ay itinatago sa temperaturang 2-8 Sentigrado, ito ay nangangahuligang pwede ito utago sa pangkaraniwang pridyeder na hindi nangangailangan ng karagdagang gastos sa imprakturang cold-chain.

  • Ang halaga ng Sputnik V na $10 bawat iniksyon, kaya ito ay ang pinaka-abot-kayang bakuna sa mundo.

***

Ang Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF) ay isang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso na itinatag noong 2011 upang makagawa ng mga equity co-investment, karamihan sa Ruso, kaagapay ang mga kagalang-galang na pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Ruso. Ang kumpanyang namamahala sa RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkakasabay na pagpapatupad ng higit sa 80 proyekto kasama ang mga dayuhang kasosyo, na umaabot sa higit sa RUB 2 trilyon at sumasaklaw sa 95% ng rehiyon ng Pederasyong Ruso. Ang mga portpolyong kumpanya ng RDIF ay gumagamit ng higit sa 800,000 katao at nagbubunga ng kita na katumbas ng higit sa 6% ng GDP ng Ruso. Ang RDIF ay nagtaguyod ng pinagsamang estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang internasyonal na kasosyo sa pamumuhunan mula sa higit sa 18 bansa at kabuuang halaga na higit sa $ 40 bilyon. Makikita ang karagdagang impormasyon sa rdif.ru

Makipag-ugnayan para sa karagdagang impormasyon:

Alexey Urazov
Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso
Direktor ng Panlabas na Komunikasyon

Mobile: +7 915 312 76 65
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler

Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!