Moscow, November 13, 2020 – Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia), at ang GL Rapha, isa sa mga nangungunang bio-tech na kompanya sa South Korea (kasama ang subsidiyaryong Hankook Korus Pharm) ay sumang-ayong gumawa ng mahigit sa 150 milyong dosis bawat taon ng unang nakarehistrong bakuna sa mundo laban sa novel coronavirus na impeksiyon – Sputnik V.
Nilayon ng mga partidong simulan ang produksiyon sa Disyembre 2020 at ilabas ang bakunang Sputnik V sa Enero 2021. Magsu-supply ang RDIF at GL Rapha ng mahigit 150 milyong dosis bawat taon na gawa sa South Korea para sa pandaigdigang distribusyon.
Ang unang pansamantalang pagsusuri ng data ng bakunang The Sputnik V ng mga Phase III na klinikal na pagsubok sa Russia ay nagpakita ng 92% bisa laban sa coronavirus batay sa 20 kumpirmadong kasi ng COVID-19 na hinati sa pagitan ng mga nabakunahang indibiduwal at mga nakatanggap ng placebo. Sa kasalukuyan, 40,000 boluntaryo ay lumalahok sa isang double-blind, randomized, placebo-controlled Phase III na klinikal na pagsubok sa Russia. Mahigit 20,000 kalahok ang nabakunahan sa unang dosis ng bakunang Sputnik V at mahigit sa 16,000 ang nakatanggap ng una at pangalawang dosis ng bakuna.
Ang hiling sa mahigit 1.2 bilyong dosis ng bakunang Sputnik V ay natanggap ng RDIF mula sa mahigit 50 bansa. Ang mga supply ng bakuna para sa pandaigdigang merkado ay gagawin ng mga pandaigdigang partner ng RDIF sa South Korea, India, Brazil, China, at sa mga ibang bansa. Ang mga umiiral na kontrata ng RDIF sa mga pandaigdigang kasosyo ay mahpapahintulot sa taunang produksiyon ng 500 milyong dosis ng bakunang Sputnik V sa labas ng Russia. Pinag-iisipan na ngayon ng RDIF ang mga karagdagang hiling mula sa ilang bansa at kompanya para higit na madagdagan ang kakayahan nito sa banyagang produksiyon.
Nagkomento si Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund: “Ang Sputnik V ay batay sa ligtas at mabisang plataporma ng mga human adenoviral vector. Dahil matagal pang matapos ang pandemiko, mas maraming bansa ang kumikilala sa human adenoviral vector platform at balak isama ang mga bakunang ito sa kanilang mga pambansang portfolio ng bakuna. Ang unang pansamantalang pagsusuri sa data ng Sputnik V na bakunang phase III na klinikal na pagsubok sa Russian Federation ay nagpakita ng 92% bisa ng bakuna. Mahalaga ngayong palakasin ang pandaigdigang kooperasyon at pagsososyo at siguruhin na sapat na Sputnik V na bakuna ang magawa para matugunan ang pandaigdigang pangangailangan, at nagpapasalamat kami sa mga kasosyo namin sa GL Rapha para sa kooperasyon at pinagsamang pagsusumikap”.
***
Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinansiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB1.9 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru
Para sa karagdagang impormasyon, kontakin:
Arseniy Palagin Russian Direct Investment Fund Press Secretary Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395 Mobile: +7 916 110 31 41 E-mail: [email protected]
Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya Hudson Sandler Tel: +44 (0) 20 7796 4133
Matagumpay na naipadala ang mensahe!