Balita

Pumayag ang RDIF at Hetero na gumawa ng mahigit 100 milyong dosis ng bakunang Sputnik V sa India

Moscow, November 27, 2020 – Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia), at ang Hetero, isa sa mga nangungunang kompanya ng generic na parmasyotiko sa India (sa pamamagitan ng biologics arm nito, ang “Hetero Biopharma) ay sumang-ayong gumawa ng mahigit sa 100 milyong dosis sa India bawat taon ng unang nakarehistrong bakuna sa mundo laban sa novel coronavirus na impeksiyon – Sputnik V.

Nilalayon ng mga partidong simulan ang produksiyon ng Sputnik V sa simula ng 2021.

Ang Gamaleya Center at RDIF ay nag-anunsiyo noong Nobyembre 24 ng mga positibong resultang nakuha sa pangalawang pansamantalang pagsusuri ng data ng pinakamalaking double-blind, randomized, placebo-controlled Phase III na klinikal na pagsubok sa kasaysayan ng Russia kaugnay ang 40,000 boluntaryo. Ang mga pansamantalang resulta ng pagsubok ay muling kumumpirma sa mataas na bisa ng Sputnik V na bakuna, ang unang nakarehistrong bakuna laban sa coronavirus batay sa mabuting naag-aralang plataporma ng mga human adenoviral vector. Ang pagsusuri ng pagiging epektibo ay isinasagawa sa mga boluntaryo (n = 18,794) 28 araw pagkatapos matanggap ang unang dosis (7 araw pagkatapos ng pangalawang dosis) ng bakuna o placebo kapag naabot ang ikalawang control point ng pagsubok alinsunod sa protokol ng klinikal na pagsubok. Nagpakita ang pagsusuri ng 91.4% rate ng bisa para sa Sputnik V na bakuna.

Ang kaibahan ng Russian na bakuna ay nasa paggamit ng dalawang magkaibang vextor batay sa human adenoviral vector na nagpapahintulot sa mas malakas at pangmatagalang immune response kumpara sa mga bakunang gumagamit ng isa at parehong vector sa dalawang dosis. Kaya, ang paunang data sa mga boluntaryo sa ika-42 araw pagkatapos ng unang dosis (katumbas ng 21 araw pagkatapos ng pangalawang dosis), kapag nakabuo na sila ng isang matatag na immune response, ay nagpapahiwatig na ang rate ng bisa ng bakuna ay higit sa 95%.

Sa kasalukuyan ang mga klinikal na pagsubok sa Phase III ay naaprubahan at nagpapatuloy sa Belarus, UAE, Venezuela at iba pang mga bansa, pati na rin ang Phase II-III sa India. Ang hiling sa mahigit 1.2 bilyong dosis ng bakunang Sputnik V ay mula sa mahigit 50 bansa. Ang mga supply ng bakuna para sa pandaigdigang merkado ay gagawin ng mga pandaigdigang partner ng RDIF sa India, Brazil, China, South Korea at sa mga ibang bansa.

Ang kaligtasan ng mga bakuna batay sa adenovirus ng tao ay nakumpirma sa higit sa 75 mga internasyonal na publikasyon at higit sa 250 mga klinikal na pagsubok na isinagawa sa nakaraang dalawang dekada - habang ang kasaysayan ng paggamit ng mga adenovirus ng tao sa pagbuo ng bakuna ay nagsimula noong 1953. Ang mga adenovirus vector ay mga genetically modified na mga virus ng regular na trangkaso na hindi maaaring manganak sa katawan ng tao. Kapag ginamit ang bakunang Sputnik V, ang coronavirus mismo ay hindi pumapasok sa katawan dahil ang bakuna ay naglalaman lamang ng impormasyong genetikiko tungkol sa bahagi ng panlabas na protinang balot, ang tinaguriang "spike" na bumubuo ng korona nito. Ganap nitong tinanggal ang posibilidad na mahawahan bilang resulta ng pagbabakuna habang nagdudulot din ng matatag na immune na pagtugon ng katawan.

Nagkomento si Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund:

“Natutuwa kaming ianunsiyo ang kasunduan sa pagitan ng RDIF at Hetero na magbibigay-daan sa produksiyon ng ligtas at napakabisang Sputnik V na bakuna sa lupain ng India. Ang pansamantalang resulta ng klinikal na pagsubok ng bakuna ay nagpapakita ng 95% bisa sa ika-42 araw makalipas ang unang dosis. Kumpiyansa ako na ang Sputnik V ay dapat maging mahalagang bahagi ng pambansang portfolio ng bakuna ng bawat bansang nais protektahan ang populasyon nito mula sa coronavirus. Salamat sa ating kooperasyon sa Hetero, makabuluhan nating madaragdagan ang kapasidad sa produksiyon at bigyan ang mga tao sa India ng episyenteng solusyon sa mapanghamong panahon na ito ng pandemiko”.

Nagkomento si B. Murali Krishna Reddy, Director – International Marketing, Hetero Labs Limited:

“Nalulugod kaming makipagtulungan sa RDIF bilang kasosyo sa manufacturing para sa pinaka-inaabangang Sputnik V na bakuna para sa paggamot ng Covid-19. Habang umaasa kami sa mga resulta ng klinikal na pagsubok sa India, naniniwala kami na ang lokal na pag-manufacture ng produkto ay mahalaga para pahintulutan ang mabilis na access sa mga pasytente. Ang pakikipagtulungang ito ay isa pang hakbang patungo sa paninindigan namin laban sa Covid-19 at matamo ang layunin ng kampanyang ‘Make-in-India’ tulad ng nakinita ng ating Kagalang-galang na Prime Minister ng India.”

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinansiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB1.9 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru

Hetero - ito ay isa sa nangungunang kompanya ng generic na parmasyotiko sa India at pinakamalaki sa mundong tagagawa ng mga anti-retroviral na gamot. Sa 25 taon ng kadalubhasaan nito sa parmasyotikong industriya, ang mga istratehikong larangan ng negosyo ng Hetero ay kumakalat sa mga API, Global Generics, Biosimilars, Mga Pinasadyang parmasyotikong serbisyo. Pandaigdigang kinikilala ang kompanya para sa mga lakas nito sa Pananaliksik at Development, manufacturing at komersiyalisasyon ng malawak na saklaw ng mga produkto. Ang Hetero ay may 36 state-of-the-art na manufacturing na pasilidad na nasa buong mundo, inaprubahan ng mahigpit na mga pandaigdigang pangregulasyong awtoridad. Kasama sa aming portfolio ang 300 plus na produktong bumubuo sa mga pangunahing therapeutic na kategorya tulad ng HIV/AIDS, Oncology, Cardiovascular, Neurology, Hepatitis, Nephrology, Urology, Diabetes, Ophthalmology, Hepatology at Immunology atbp. Ang Hetero ay may malakas na pandaigdigang presensiya sa mahigit 126 bansa at nakatuon sa paggawa ng abot-kayang gamot na makukuha ng mga pasyente sa buong mundo. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa www.heteroworld.com

Para sa karagdagang impormasyon, kontakin:

Arseniy Palagin
Russian Direct Investment Fund
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Cellphone: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!