Balita

RDIF at Trinity Pharmaceuticals, nagkasundong mag-supply ng 25 milyong dosis ng bakunang Sputnik V sa Nepal

Moscow, Setyembre 29, 2020 – Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF), ang sovereign wealth fund ng Russia, at ang isa sa mga nangungunang distributor sa parmasyutika sa Nepal, ang Trinity Pharmaceuticals, ay nagkasundong mag-supply sa bansa ng 25 milyong dosis ng bakunang Sputnik V na nakabatay sa platform ng mga human adenoviral vector na masusing pinag-aralan.

Dahil sa kasunduan, magkakaroon ng access ang 90% ng populasyon ng Nepal sa bakunang Sputnik V at magbibigay ito sa mga klinika sa bansa ng bakuna laban sa COVID na may napatunayang kaligtasan at pagkamabisa.

Binibigyang-diin ng kasunduan na maraming bansa ang kumikilala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng bakunang nakabatay sa platform ng human adenoviral vector sa hanay ng mga bakuna laban sa coronavirus. Ang platform ng human adenoviral vector ay isang masusing pinag-aralang platform ng bakuna na deka-dekada nang napatunayang ligtas sa pamamagitan ng 75 pandaigdigang siyentipikong publikasyon at sa mahigit 250 klinikal na pagsubok.

Walang nakitang malubhang hindi kanais-nais na kaganapan sa mga klinikal na pagsubok ng bakuna mula sa Russia, kung saan nagdulot ang Sputnik V ng maayos na humoral at cellular immune response sa 100% ng mga kalahok. Kumpara dito, hindi pa napapatunayan ng mga bakunang nakabatay sa mga bagong platform ang kaligtasan ng mga ito at wala pang data ang mga ito tungkol sa carcinogenicity (kakayahang makapagdulot ng cancer) o mga epekto sa fertility (pagkakaroon ng kakayahang mag-anak).

Noong Agosto 11, ang bakunang Sputnik V na binuo ng Gamaleya National Research Institute of Epidemiology and Microbiology ay inirehistro ng Ministro ng Kalusugan ng Russia at naging unang nakarehistrong bakuna laban sa COVID-19 na nakabatay sa platform ng mga human adenoviral vector sa mundo. Makikita ang detalyadong impormasyon tungkol sa bakunang Sputnik V, ang teknolohikal na platform ng mga human adenoviral vector, at iba pang detalye sa sputnikvaccine.com

Noong Setyembre 4, inilathala ang isang pagsasaliksik tungkol sa mga resulta ng Yugto I at Yugto II ng mga klinkal na pagsubok ng bakunang Sputnik V sa The Lancet, isa sa mga nangungunang medikal na peryodiko sa mundo, at ipinakita rito na walang malubhang hindi kanais-nais na kaganapan at maayos ang reaksyon ng immune system sa 100% ng mga kalahok. Kasalukuyang isinasagawa ang mga klinikal na pagsubok matapos ang pagpaparehistro ng bakunang Sputnik V na mayroong 40,000 volunteer. Mahigit 60,000 volunteer ang nagpatala upang makibahagi sa mga pagsubok matapos ang pagpaparehistro. Inaasahang mailalathala ang mga unang resulta ng mga pagsubok na ito sa Oktubre-Nobyembre 2020.

Mahigit 50 bansa sa Asia, Middle East, Latin America, Europe, at CIS ang nagpatala para sa Sputnik V. Inanunsyo ng RDIF kamakailan ang mga kasunduan sa supply sa Mexico para sa 32 milyong dosis, sa Brazil para sa hanggang 50 milyong dosis, India – 100 milyong dosis, at Uzbekistan – para sa hanggang 35 milyong dosis.

Sinabi ni Kirill Dmitriev, ang CEO ng Russian Direct Investment Fund, na:

“Dahil sa kasunduan sa Trinity Pharmaceuticals, humigit-kumulang 90% ng populasyon ng Nepal ang mabibigyan ng bakunang Sputnik V. Hindi katulad ng mga eksperimental na bakunang nakabatay sa monkey adenovirus o mRNA, ginawa ang bakunang Sputnik V sa platform ng mga human adenoviral vector na deka-dekada nang pinag-aralan at walang napatunayang pangmatagalang negatibong epekto. May nakikita kaming matinding interes mula sa iba pang kasosyo sa Asia. Kaugnay nito, handa ang RDIF na mag-supply ng bakunang Sputnik V sa mga bansa sa rehiyon bilang ang novel coronavirus infection ang ating iisang kalabang matatalo lang sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng ating mga pagsusumikap.”

Sinabi ni Kishor Adhikari, ang Director ng Trinity Pharmaceuticals, na:

“Nasasabik kaming ianunsyo ang aming pakikipagtulungan sa Russian Direct Investment Fund. Hinihintay ng Trinity ang mga resulta ng huling pagsubok ng Sputnik V. Kapag naaprubahan na ng Pamahalaan ng Nepal ang bakuna, gagawin namin itong available para sa populasyon ng Nepal.”

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang sovereign wealth fund ng Russia na itinatag noong 2011 upang gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga mapagkakatiwalaang pandaigdigang pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ang nagsisilbing catalyst para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kumpanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay matagumpay nang nakapagpatupad ng mahigit 80 proyekto kasama ng mga dayuhang kasosyo na umaabot sa RUB1.9 tn sa kabuuan at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio company ng RDIF ay nagbibigay ng trabaho sa mahigit 800,000 tao at kumikita ng halagang katumbas ng mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nakapagtatag ang RDIF ng kapwa estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang pandaigdigang co-investor mula sa mahigit 18 bansa na umaabot sa mahigit $40 bn sa kabuuan. Makakakita ng karagdagang impormasyon sa rdif.ru

Ang Trinity Pharmaceuticals ay isang kumpanya ng pangangalagang pangkalusugan na gumagawa ng mga parmasyutikong produkto na pangunahing mga bakuna para sa tao. Nagsisilbi ito sa merkado ng Nepal nang may maraming uri ng mga produkto sa pangangalagang pangkalusugan sa loob ng mahigit isang dekada at may malawak na network ito sa buong bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina:

Arseniy Palagin
Russian Direct Investment Fund
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Mobile: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!