Moscow, Setyembre 25, 2020 – Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF), ang sovereign wealth fund ng Russia, at LAXISAM, isa sa mga nangungunang kumpanya ng parmasyutiko sa Republic of Uzbekistan, ay sumang-ayong magbigay sa bansa ng hanggang 35 milyong dosis ng bakunang Sputnik V, na nakabatay sa pinag-aaralang mabuti na platform ng mga human adenoviral vector na napatunayan na ang pagiging ligtas at mabisa.
Sa pag-apruba ng mga awtoridad ng Uzbekistan, hanggang 10 milyong dosis ang ihahatid sa 2020 at hanggang 25 milyong dosis sa 2021.
Noong Agosto 11, ang bakunang Sputnik V na ginawa ng Gamaleya National Research Institute of Epidemiology and Microbiology ay ipinarehistro ng Ministry of Health of Russia at naging unang nakarehistrong bakuna sa mundo laban sa COVID-19 batay sa platform ng mga human adenoviral vector. Available ang detalyadong impormasyon sa bakunang Sputnik V, ang panteknolohiyang platform ng mga human adenoviral vector, at iba pang detalye sa sputnikvaccine.com
Noong Setyembre 4, may na-publish na dokumento ng pananaliksik sa mga resulta ng Yugto I at Yugto II na klinikal na pagsubok ng bakunang Sputnik V sa The Lancet, isa sa mga nangungunang pandaigdigang medikal na journal, na hindi nagpapakita ng malalang hindi mabuting epekto at maayos na reaksyon ng immune system sa 100% ng mga kalahok. Kasalukuyang may isinasagawang mga klinikal na pagsubok ng bakunang Sputnik V pagkatapos ng pagpaparehistro na may 40,000 volunteer. Mahigit 60,000 volunteer ang nag-apply na makibahagi sa mga pagsubok pagkatapos ng pagpaparehistro. Inaasahang ipa-publish ang mga unang resulta ng mga pagsubok na ito sa Oktubre-Nobyembre 2020.
Sinabi ni Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund, na:
“May ilang mahalagang bentahe ang bakunang Sputnik V ng Russia kumpara sa iba pang bakuna, lalo na sa mga pang-eksperimentong bakuna ng mga Western producer batay sa adenovirus ng mRNA ng unggoy. Nakabatay ang Sputnik V sa platform ng human adenoviral vector, na pinag-aralan sa loob ng ilang dekada at sa mahigit 250 klinikal na pag-aaral, na pinapatunayan ang pagiging ligtas at mabisa nito. Titiyakin ng mga supply ng bakuna na may pinahusay na tool ang mga medikal na espesyalista sa Republic of Uzbekistan upang labanan ang bagong coronavirus na impeksyon. Binibigyang-daan nito ang pagkakaroon ng pangmatagalang immunity upang maprotektahan ang mga mamamayan, at pagtitiyak ng iba't ibang portfolio ng mga bakuna laban sa coronavirus.”
Nakatanggap ang RDIF ng mga order para sa mahigit 1.2 bilyong dosis ng bakunang Sputnik V para sa 2020-2021. Mahigit 50 bansa sa CIS, Europe, Asia, Middle East at Latin America ang nag-apply para sa Sputnik V. Nag-anunsyo ang RDIF ng mga mas maagang kasunduan sa supply sa Mexico para sa 32 milyong dosis, sa Brazil para sa hanggang 50 milyong dosis at India – 100 milyong dosis.
Sinabi ni Shavkat Ismailov, Chairman ng LAXISAM Group of Companies, na:
“Binigyang-diin ng World Health Organization at ng mga nangungunang medikal na eksperto sa epidemiology ng mga nakakahawang sakit na ang pagbabakuna ay isang mabisang paraan upang makagawa ng pangmatagalang immunity upang mapigilan ang COVID-19. Dahil dito, may mahalagang tungkulin ang pakikipagtulungan sa bakunang Sputnik V sa RDIF. Ginawa ang bakuna ng mga siyentipiko ng Russia batay sa pinahusay na siyentipiko at klinikal na pananaliksik.”
***
Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang sovereign wealth fund ng Russia na itinatag noong 2011 upang gumawa ng mga equity co-investment, na pangunahin sa Russia, kasama ng mga kilalang pandaigdigang investor sa pananalapi at istratehiya. Nagsisilbing catalyst ang RDIF para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Nakabase sa Moscow ang kumpanya ng pangasiwaan ng RDIF. Sa kasalukuyan, nakaranas ang RDIF ng matagumpay na magkatuwang na pagpapatupad ng mahigit 80 proyekto kasama ng mga dayuhang kasosyo na may kabuuang mahigit RUB1.9 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga kumpanya ng portfolio ng RDIF ay may mahigit 800,000 tao at may kitang katumbas ng mahigit 6% ng GDP ng Russia. Nagtatag ang RDIF ng mga magkatuwang na pang-istratehiyang pakikipagsosyo sa mga nangungunang pandaigdigang co-investor mula sa mahigit 18 bansa na may kabuuang mahigit $40 bn. May makikitang higit pang impormasyon sa rdif.ru
Kilala ang LAXISAM bilang isa sa mga pinakamalaking supplier at manufacturer ng iba't ibang gamot sa Uzbek market sa loob ng 26 na taon. Sa pakikipagtulungan sa mga nangungunang pandaigdigan at domestikong manufacturer ng parmasyutiko at malaking network ng mga sangay, binibigyan ng mga warehouse ng parmasyutiko sa lahat ng rehiyon ng Uzbekistan ang mga supplier, mga medikal na institusyon, network ng parmasya at populasyon ng bansa ng lahat ng kategorya ng mga gamot. Gumawa ang LAXISAM at ngayon ay nagpapatakbo ng malaking planta ng parmasyutiko, ang LAXISAM PHARMACEUTICALS, sa Tashkent na gumagawa ng halos 100 iba't ibang gamot: mga tableta, kapsula, ointment, suspension, at ampoule. Nagpapatakbo ang kumpanya nang mahigpit na sumusunod sa mga pambansa at pandaigdigang pamantayan ng kalidad para sa paggawa at pamamahagi ng mga gamot. May makikitang karagdagang impormasyon sa lahisam.uz/ at lapharma.uz
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay:
Arseniy Palagin Russian Direct Investment Fund Press Secretary Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395 Mobile: +7 916 110 31 41 E-mail: [email protected]
Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya Hudson Sandler Tel: +44 (0) 20 7796 4133
Matagumpay na naipadala ang mensahe!