Inaanyayahan ng Pondo ng Rusa para sa Direktang Pamumuhunan (Russian Direct Investment Fund o RDIF) ang mga independiyenteng internasyonal na mananaliksik at pang-agham na institusyon upang makipagtulungan sa totoong-mundo na pag-aaral ng kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakunang kontra coronavirus, kabilang ang Sputnik V, Sputnik Light at iba pa.
Mga pangunahing paksa ng pag-aaral:
Ang mga aplikanteng nagsasagawa o nagpaplanong magsimula ng pang-agham na pananaliksik sa mga paksa na nabanggit sa itaas ay masuyong inaanyayahang makipag-ugnayan sa RDIF at ilarawan ang mga paksa na kina-iinteresan at mga tiyak na panukala sa pakikipagtulungan sa pamamagitan ng [email protected]
Ang pagsubaybay at pagsusuri ng mga resulta ng paggamit ng mga bakunang Sputnik V at Sputnik Light at pati na rin ang pang-agham na pananaliksik ay mga prayoridad ng RDIF bilang isang namumuhunan sa pag-unlad at internasyonal na promosyon ng mga bakunang ito. Ang RDIF ay interesado sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga Ruso at internasyonal na dalub-agham, at pati na rin ang pagtaas ng kamalayan sa publiko tungkol sa totoong-mundong datos sa kaligtasan at pagiging epektibo ng Sputnik V, Sputnik Light at iba pang mga bakuna.
Ang dalawang dosis na bakunang Sputnik V ay ang unang rehistradong bakuna kontra coronavirus. Ito ang unang bakuna na nakabatay sa pamamaraan na gumagamit ng magkakaiba na booster (“halo-halong bakuna” na gumagamit ng human adenovirus serotype 26 bilang unang sangkap at human adenovirus serotype 5 bilang pangalawang sangkap). Isinasaalang-alang ang tagumpay ng pamamaraang ito upang matiyak ang matatag at pangmatagalang panlaban ng sakit (immunity) mula sa impeksyon na dulot ng bagong coronavirus, ang RDIF ang una sa buong mundo na nagpasimula ng pakikipagsosyo sa ibang mga tagagawa ng bakuna at nagsagawa ng pakikipagtulungan sa pananaliksik na pinagsama ang unang sangkap ng Sputnik V sa mga bakunang banyaga.
Ang isang-dosis na bakunang Sputnik Light ay ang unang sangkap (recombinant human adenovirus 26 serotype o rAd26) ng bakunang Sputnik V.
Aktibong isinusulong ng RDIF ang pakikipagtylungan at pag-network ng internasyonal na pang-agham na pamayanan sa bakunang Sputnik V. Noong Enero 2021, binuo ng RDIF at Gamaleya Center ang Internasyonal na Lupon na Pang-agham na Pagpapayo ng bakunag Sputnik V, na pinagsama ang mga nangungunang dalub-agham sa virology, mikrobiyolohiya at immunology mula sa Arhentina, Britanya, Croatia, Pranses, Alemanya, Indya, Sweden, Estados Unidos at Ruso.
Ang mga pag-aaral na batay sa pagsusuri ng paggamit ng mga bakunang Sputnik V at Sputnik Light ay nailathala sa nangungunang internasyonal na mga pang-medikal na pahayagan na sinuri ng kasamahan sa larangan: The Lancet, EClinical Medicine (inilathala ng The Lancet), Vaccines, at Cell Reports Medicine
Sinusuporta ng RDIF ang paglalathala sa mga nangungunang pang-medikal na pahayagan ang mga resulta mg mga bagong independiyenteng pag-aaral ng pagbabakuna ng Sputnik V at Sputnik Light sa pangkalahatang populasyon sa buong mundo.
Matagumpay na naipadala ang mensahe!