Ang Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology ay ang nangungunang institusyon sa pananaliksik sa buong mundo. Itinatag ang center noong 1891 bilang pribadong laboratoryo. Mula noong 1949, dala-dala nito ang pangalan ni Nikolai Gamaleya, isa sa mga nanguna sa mga pag-aaral tungkol sa microbiology sa Russia.
Nag-aral si Gamaleya sa laboratoryo ng French na biologist na si Louis Pasteur sa Paris at binuksan niya ang pangalawang istasyon sa buong mundo sa pagpapabakuna para sa rabies sa Russia noong 1886. Noong ika-20 siglo, bilang isa sa mga namumuno sa center, nilabanan ni Gamaleya ang epidemya ng cholera, diphtheria at typhus, at nag-organisa rin siya ng mga kampanya ng maramihang pagbabakuna sa Soviet Union.
Pinapatakbo ng center ang isa sa mga natatanging “virus library” sa buong mundo at mayroon itong sariling pasilidad para sa paggawa ng bakuna. Mula noong 1980s, pinangunahan ng mga espesyalista ng Gamaleya Center ang pagsisikap na mag-develop ng platform ng teknolohiya gamit ang mga adenovirus, na inisyal na kinukuha mula sa mga adenoid ng tao.
Matagumpay na nakapag-develop at nakapagparehistro ang Gamaleya Center noong 2015 ng dalawang bakuna laban sa Ebola fever gamit ang platform ng adenovirus vector. May isa pang ipinarehistrong bakuna para sa Ebola fever noong 2020. Opisyal na inaprubahang gamitin ang mga bakuna ng Russian Health Ministry. Humigit-kumulang 2,000 tao sa Guinea ang nakatanggap ng mga iniksyon ng bakuna para sa Ebola noong 2017-18 bilang bahagi ng Phase 3 ng clinical trial. Nakatanggap ang Gamaleya Research Center ng international patent ng bakuna para sa Ebola.
Gumamit ang Gamaleya Research Center ng mga adenoviral vector upang mag-develop ng mga bakuna laban sa influenza at Middle East Respiratory Syndrome (MERS). Kasalukuyang nasa mga advanced na yugto ng mga clinical trial ang parehong bakuna.
Simula noong 1997, si Alexander Ginzburg, na miyembro ng Russian Academy of Sciences, ang namumuno sa Gamaleya Center.
Alexander GintsburgDoktor sa Biology, Miyembro ng Russian Academy of Sciences
Denis LogunovDoktor sa Biology, Corresponding Member ng Russian Academy of Sciences
Boris NaroditskyDoktor sa Biology, Propesor
Sergei BorisevichDirektor, FGBU Central Research Institute No. 48 ng Russian Ministry of Defense, Doktor sa Biology, Candidate of Medicine, Propesor
Andrei Botikov
Darya Grousova
Alina Dzharullayeva
Inna DolzhikovaPhD
Darya YegorovaPhD
Ilyas YesmagambetovPhD
Olga ZubkovaPhD
Tatyana Ozharovskaya
Olga Popova
Aleksandr SemikhinPhD
Yelizaveta TokarskayaPhD
Amir TukhvatulinPhD
Dmitry ShcheblyakovPhD
Dmitry ShcherbininPhD
Matagumpay na naipadala ang mensahe!