The Russian Direct Investment Fund

The Russian Direct Investment Fund (RDIF)

Ang RDIF ay sovereign wealth fund (pondo ng kayamanan ng soberanya) ng Russia na itinatag noong 2011 upang gumawa ng mga equity co-investment, sa Russia hangga’t maaari, kasama ng mga international na namumuhunan sa pinansyal at batay sa istratehiya, na may magandang reputasyon. Nagsisilbi ang RDIF bilang instrumento sa pagpapasimula ng mga tuwirang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kumpanyang namamahala sa RDIF ay nakabase sa Moscow.

Sa kasalukuyan, mayroong karanasan ang RDIF sa matagumpay na pagpapatupad ng mahigit sa 90 proyekto kasama ng mga dayuhang kasosyo, na nakakaabot sa mahigit RUB 2.1 trilyon sa kabuuan at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Nag-eempleyo ang mga portfolio company ng RFID ng mahigit 800,000 tao at nakakalikom ang mga ito ng kitang katumbas ng mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nakapagtaguyod ang RDIF ng mga istratehikong pakikipagsosyo kasama ng mga nangungunang international na co-investor mula sa mahigit 18 bansa at nakakaabot ito sa mahigit $40 bilyon sa kabuuan.

Noong nagsimula ang pandemya ng COVID-19, mayroong ginampanang mahalagang tungkulin ang RDIF sa paglaban sa virus sa Russia. Sa pakikipagtulungan sa ilan sa mga nangungunang institusyonal na namumuhunan sa buong mundo, pinili at pinondohan namin ang mga sistema ng pagsusuri, gamot at bakuna para sa COVID-19 na pinaniniwalaan naming pinaka-may potensyal. Sinusuportahan ng RDIF ang pag-develop ng bakuna para sa COVID-19 ng Gamaleya Center ng Russia, at namumuhunan ito para sa maramihang paggawa ng bakuna ng mga portfolio company ng RDIF.

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!