Kailan magsisimula ang maramihang produksyon ng bakuna sa Ruso? Noong 2020, ang maramihang produksiyon ng Sputnik V ay nilunsad sa Russia at sa ibayong dagat. Sa ngayon, mahigit 14 na bansa ang nag-anunsiyo ng paglunsad ng produksiyon ng bakuna kasama ang India, Tsina, Brazil, Mehiko, Ehipto, Iran, Italya, South Korea, Argentina, Kazakhstan, ang Republic ng Belarus, Serbia, Turkey, Vietnam, atbp.
Magkakaroon ba ng bakuna sa ibang mga bansa? Inaprubahan ang Sputnik V sa 71 na bansa na may kabuuang populasyon ng 4 bilyon. Kasama sa listahan ng mga bansa ang Americas, ang Gitnang Silangan, Europa, Asya at Africa. Inaasahang humaba pa ang listahan. Sumasailalim ang pagbabakuna gamit ang Sputnik V sa mahigit 50 bansa sa 4 na kontinente, kasama ang Argentina, Hungary, Bolivia, Algeria, Montenegro, Paraguay, atbp. Para sa impormasyon kung kailan magkakaroon ng Sputnik V sa inyong bansa, mag-subscribe sa mga social media news feed ng Sputnik V.
Kailan ibibigay ng Ruso ang buong pang-agham na datos ng bakuna? Ang mga pagsusuri sa Yugto I–II at Yugto III ng klinikal na pagsubok ay inilathala sa The Lancet, isa sa mga nangungunang internasyonal na medikal na magasin.
Kailan magkakaroon ng bakuna? Magagamit ang Sputnik V sa populasyon ng Ruso at iba pang bansa kung saan naaprubahan ng awtoridad sa regulasyon ang aplikasyon ng bakuna sa loob ng pambansang programa ng pagbabakuna kontra-COVID-19 sa masa. Inilunsad sa Ruso ang sunud-sunod na produksyon ng Sputnik V sa iba't ibang pasilidad sa bansa, pangunahin para sa lokal na paggamit. Ang aming mga internasyonal na katuwang ay kasalukuyang gumagawa ng Sputnik V para sa dayuhang paggamit. Mag-subscribe sa mga Sputnik V social media feed upang makita ang mga datos ng produksyon at internasyonal na distribusyon ng Sputnik V.
Paano para makakuha/makabili ng bakuna? Ang Sputnik V ay papayagang gamitin ng populasyon ng isang bansa matapos maaprubahan ng kani-kanilang awtoridad sa pamamahala sa loob ng programa ng pambansang pagbabakuna ng masa kontra-COVID-19. Mag-subscribe sa mga social media feed ng Sputnik V upang malaman ang impormasyon ukol sa internasyonal na produksyon at distribusyon ng Sputnik V.
Magkano ang Sputnik V? Ang mga gastos sa produksyon at logistics Y Magiging salik na makakaapekto sa presyo ng bakuna sa mga partikular na bansa. Sa karamihan ng bansa, tulad ng Ruso, sasagutin ng mga programa ng pambansang seguro ang mga gastos sa pagbabakuna. Dahil hindi kami naglalayon ng labis na mataas na kita mula sa pagbebenta ng bakuna, ang presyo ay magiging mapagkumpitensya, hanggang $10/dosis. Mag-subscribe sa mga social media feed ng Sputnik V upang makakuha ng karagdagang detalye.
Matagumpay na naipadala ang mensahe!