Balita

Ang Russia ay tinuturing na napakapinagkakatiwalaang manufacturer ng bakuna, at halos kalahati ng mga sumasagot sa 11 bansa ay kilala ang Sputnik V, ipinapakita ng YouGov poll

Moscow, Nobyembre 17, 2020 –Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia), ay nag-anunsiyon ng mga resulta ng survey sa mahigit 12,000 respondent sa 11 bansa sa pananaw nila sa pagbabakuna laban sa coronavirus at mga kagustuhan nila sa pagbabakuna. Ayon sa survey, halos tatlong quarter ng mga respondent (73%) ang nagpahiwatig ng kahandaan sa pagpapabakuna laban sa coronavirus. Higit pa, ang porsiyento ng mga respondent na nagpahiwatig ng kahandaan ay mas mataas pa sa mga may alam sa Russian Sputnik V na bakuna: na may apat mula sa limang respondent ang nagsasabi na nais nilang mabakunahan. Ang dagdag sa porsiyento ay maaaring dahil din sa mataas na kumpiyansa sa Russia bilang pandaigdigang manufacturer ng bakuna.

Ang lebel ng tiwala sa bakuna batay sa human adenoviral vector (Sputnik V platform) ay 9 na beses na mas mataas kaysa sa mga ibang hindi non-human adenoviral vector platform ayon sa mga resulta ng survey.

Ang survey ay isinagawa sa pagitan ng ika-9 at ika-19 ng Oktubre 2020 ng YouGov, ang nangungunang kompanya sa UK sa pananaliksik sa merkado at pagsusuri sa data. Ang mga residente ng Brazil, Egypt, India, Indonesia, Malaysia, Mexico, Nigeria, Saudi Arabia, ang Pilipinas, ang UAE at Vietnam ay lumahok sa poll. Mahigit sa 2.5 bilyong katao, o mahigit sa 30% ng populasyon ng mundo, ay nakatira sa mga bansang ito. Ang survey ay naging isa sa pinakamalaki sa paksang ito at ang unang pandaigdigang survey na kaugnay ang mga bansa sa Middle East at Southeast Asia.

Ang survey ay ginawa bago ang pag-anunsiyo sa rate ng bisa ng Sputnik V 92% bilang bahagi ng unang pansamantalang pagrepaso ng data.

Mga pangunahing nalaman mula sa poll:

  • Ang napakaraming karamihan ng mga kalahok sa pag-aaral ay positibo tungkol sa pagbabakuna laban sa coronavirus (73% ng mga na-survey).

    • Sa mga nakarinig tungkol sa Russian Sputnik V na bakuna, ang porsiyento ng mga handa nang mabakunahan ay mas mataas pa - mahigit sa 80% ng mga respondent.

      graph-1.jpg

  • Halos kalahati ng mga kalahok ng survey (44%) ay narinig ang tungkol sa Russian Sputnik V vaccine.

    • Ang mga residente ng Mexico, India, Brazil, Vietnam at Pilipinas ay nagpakita ng pinakamataas na rate ng kabatiran (55% hanggang 60% ng mga respondent).

      graph-2.jpg

  • Siyam mula sa sampunt tao ang nais ng bakunang batay sa human adenoviral vector (tulad ng Sputnik V) sa ibang mga hindi-human adenoviral vector platform.

    • Ang pinakamataas na lebel ng tiwala sa batay sa bakunang human adenoviral vector ay naobserbahan sa lahat ng mga bansa.

      graph-3.jpg

  • Ang Russia bilang manufacturer ng bakuna ay ang pinakapinagkakatiwalaan, na may 21% ng mga boto, nilalagpasan ang USA sa 15% at China sa 13% sa unang napiling mga bansang pinangalanan ng mga respondent.

    • Pagdating sa kabuuang bilang ng mga nabanggit sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang bansa (ang bawat respondent ay nagpangalan ng tatlong bansa), ang mga nangunguna ay ang United States, Russia at China na may 45%, 40% at 32% ng mga kabuuang boto, bilang naaayon.

    • Ang pinakamalakas na indikasyon ng tiwala sa bakuna ng Russia ay naitala sa Mexico, Vietnam, Pilipinas, Brazil, sa Kingdom of Saudi Arabia at sa United Arab Emirates.

Nagkomento si Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund:

“Ang siyentipikong pagiging dalubhasa ng Russia sa microbiology, immunology at bakuna at paggawa ng droga ay napakaganda ng reputasyon sa buong mundo, na kinumpitma ng survey na ito. Ang Russia, bilang manufacturer ng bakuna, ay nabanggit nang mas madala kaysa sa mga ibang bansa bilang pinaka-pinagkakatiwalaan. Sinaklawan ng survey ang 11 bansa na nasa mga iba’t ibang rehiyon sa mundo, na nangangahulugan na ang survey ay may mabuting representasyon ng magkakaibang nasyonalidad at kultura. Ang napakahalagang nalaman mula sa survey ay ang katotohanan na ang karamihan sa mga respondent ay handang mabakunahan laban sa coronavirus.

Binigyang-diin ng mga resulta ng survey na ang mga residente ng maraming malalaking bansa ay may positibong pananaw patungo sa bakunang Russian at alam ang teknolohikal na plataporma at mga bentahe nito. Ang mga kalahok sa survey na narinig na ang tungkol sa Sputnik V na bakuna ay nagpahiwatig ng mas higit na kahandaan sa pagbabakuna dahil sa kanilang pag-unawa sa pagiging maaasahan, kaligtasan at bisa ng bakunang Russian. Ang plataporra sa gitna ng bakunang Sputnik V ay napatunayang ligtas at mabisa sa mga dekada ng siyentipikong pananaliksik at mga klinikal sa pagsubok. Ang RDIF, kasama ng Gamaleya National Center ay patuloy na magtatrabaho nang aktibo para gawing makukuha sa buong mundo ang bakunang Sputnik V sa sandaling matugunan ang mga pangangailangan sa pagbabakuna ng ating bansa”.

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinansiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB1.9 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina:

Arseniy Palagin
Russian Direct Investment Fund
Press Secretary
Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395
Mobile: +7 916 110 31 41
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler
Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Lahat ng mya numero, maliban kung iba ang sinaad, ay mula sa YouGov Plc. Ang kabuuang sample size ay 12,323 adult sa Brazil, Egypt, India, Indonesia, Malaysia, Mexico, Nigeria, Pilipinas, Saudi Arabia, UAE at Vietnam. Ang fieldwork ay isinagawa sa pagitan ng ika-9 - ika-19 ng Oktubre 2020. Online isinagawa ang survey. Ang mga pigura ay nabigyan ng patas na timbang para sa bawat bansa para makagawa ng ‘average’ na halaga.

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!