Balita

Ang Turkey ay naging ika-63 bansa sa mundong nagpahintulot sa Sputnik V

Moscow, Abril 30, 2021 – Inanunsiyo ng Russian Direct Investment Fund (RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia, na inaprubahan ng Ministry of Health ng Rupublika ng Turkey ang paggamit ng bakunang Russian Sputnik V laban sa coronavirus sa bansa.

Nairehistro ang bakuna sa Turkey sa ilalim ng pamamaraang emergency use authorization (EUA). Ang Turkey ay naging ika-63 bansa na nagpahintulot sa paggamit ng Sputnik V. Ang kabuuang populasyon ng mga bansa kung saan ang Sputnik V ay inaprubahang gamitin ay lagpas na sa 3.2 bilyong tao

Ang mga pag-aaral makalipas ang pagbabakuna sa ilang mga bansa ay nagpapakita na ang Sputnik V ay ang pinakaligtas at pinakamabisang bakuna laban sa coronavirus. Ang Sputnik V ay nagraranggong pangalawa sa mga bakuna sa coronavirus sa mundo pagdating sa bilang ng mga pag-aprubang ibinigay ng mga taga-regula ng pamahalaan.

Kamakailan ay umabot ang RDIF sa kasunduan sa Viscoran İlaç na parmasyotikong kompanya ng Turkey para makipagtulungan sa produksiyon ng Sputnik V sa bansa. Isinagawa ng Viscoran İlaç ang mga kailangang pag-aaral para sa lokalisasyon ng produkto at naglalayong ilunsad ang produksiyon sa bansa sa mga paparating na buwan sa ilang pasilidad.

Sa ngayon, ang Sputnik V ay naaprubahan din sa Russia, Belarus, Argentina, Bolivia, Serbia, Algeria, Palestine, Venezuela, Paraguay, Turkmenistan, Hungary, UAE, Iran, Republic of Guinea, Tunisia, Armenia, Mexico, Nicaragua, Republika Srpska (entity of Bosnia and Herzegovina), Lebanon, Myanmar, Pakistan, Mongolia, Bahrain, Montenegro, Saint Vincent and the Grenadines, Kazakhstan, Uzbekistan, Gabon, San-Marino, Ghana, Syria, Kyrgyzstan, Guyana, Egypt, Honduras, Guatemala, Moldova, Slovakia, Angola, Republic of the Congo, Djibouti, Sri Lanka, Laos, Iraq, North Macedonia, Kenya, Morocco, Jordan, Namibia, Azerbaijan, Philippines, Cameroon, Seychelles, Mauritius, Vietnam, Antigua and Barbuda, Mali, Panama, India, Nepal at Bangladesh.

Sinabi ni Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund:

“Aktibong nagtutulungan ang Russia at ang Turkey sa pinagsamang laban sa coronavirus mula noong simula ng pandemya at kinalulugod ng RDIF ang desisyon ng Ministry of Health of Turkey ngayong pahintulutan ang Sputnik V. Ginamit ang bakuna sa dose-dosenang bansa sa buong mundo ang ang mga pag-aaral makalipas ang pagbabakuna sa marami sa kanila ay nagpapakita na ang Sputnik V ay ang pinakaligtas at pinakamabisang bakuna laban sa coronavirus. Ang bakunang Russian ay mag-aambag sa pagligtas ng mga buhay, pinipigilan ang pagkalat ng coronavirus at lumilikha ng pangmatagalang immunity sa populasyon sa Turkey at tutulong na mapabalik sa normal na buhay sa lalong madaling panahon.”

Ang Sputnik V ay may ilang pangunahing bentahe:

  • Ang bisa ng Sputnik V ay 97.6% batay sa pagsusuri ng data sa rate ng impeksiyon ng coronavirus sa mga nabakunahan sa Russia ng dalawang bahagi ng Sputnik V mula Disyembre 5, 2020 hanggang Marso 31, 2021;

  • Ang bakunang Sputnik V ay batay sa napatunayan at mabuting napag-aralang platform ng mga human adenoviral vector, na sanhi ng karaniwang sipon at libo-libo nang taong narito.

  • Gunagamit ang Sputnik V ng dalawang magkakaibang vecxtor para sa dalawang iniksiyon sa kurso ng pagbabakuna, nagbibigay ng immunity na mas matagal ang itatagal kaysa sa mga bakunang gumagamit ng parehong mekanismo ng paghahatid para sa dalawang iniksiyon.

  • Ang kaligatsan, bisa at kakulangan ng negatibong pangmatagalang epekto ng mga adenoviral na bakuna ay napatunayan ng mahigit sa 250 klinikal na pag-aaral sa mahigit dalawang dekada.

  • Walang malalakas na allergy na gulot ng Sputnik V.

  • Ang temperatura sa pag-imbak ng Sputnik V sa +2+8 C ay nangangahulugan na maaari itong iimbak sa kumbensiyonal na refrigerator na hindi kailangang mamuhunan sa karagdagang cold-chain na imprastraktura.

  • Ang presyo ng Sputnik V ay mas mababa sa $10 sa bawat iniksiyon, ginagawa itong abot-kaya sa buong mundo.

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinansiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB2 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru

Para sa karagdagang impormasyon, kontakin:

Alexey Urazov
Russian Direct Investment Fund
Direktor para sa External Communications

Cellphone: +7 915 312 76 65
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler

Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Message has been successfully sent!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!