Balita

Awtorisado ang Sputnik V sa India

Ang India ay ika-60 bansa para aprubahan ang Sputnik V.

Ang Sputnik V ay isa sa tatlo lang na mga bakunang nakarehistro sa India

Ang Russian na bakuna ay inaprubahang gamitin sa mga bansang may kabuuang populasyon ng 3 bilyong tao

Moscow, Abril 12, 2021 – Inanunsiyo ng Russian Direct Investment Fund (RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia), na inaaprubahan ng Drug Controller General (DCGA) ng India ang ang paggamit ng bakunang Russian Sputnik V laban sa coronavirus sa bansa. Ang India ay ika-60 bansang nag-apruba sa Sputnik V.

Ang Sputnik V ay isa sa tatlo lang na mga bakunang nakarehistro sa mga pangregulasyong awtoridad ng India.

Ang India ay pinakamalaking populasyong bansang magrehistro ng bakunang Russian. Ang kabuuang populasyon ng 60 bansa kung saan inaprubahan ang Sputnik V na gagamitin ay 3 bilyong tao o mga 40% ng pandaigdigang populasyon.

Inirehistro ang bakuna sa India sa ilalim ng emerhensiyang paggamit na pahintulot na pamamaraan batay sa mga resulta ng mga klinikal na pagsubok sa Russia pati na ang positibong data ng karagdagang Phase III na lokal na klinikal na pagsubok sa India na isinagawa sa pakikipagsosyo sa Dr. Reddy’s Laboratories.

Ang India ang nangungunang hub ng produksiyon para sa Sputnik V. Nagkaroon ng kasunduan ang RDIF sa mga nangungunang parmasyotikong kompanya sa bansa (Gland Pharma, Hetero Biopharma, Panacea Biotec, Stelis Biopharma, Virchow Biotech) na nakalayon sa produksiyon ng mahigit sa 850 milyong dosis bawat taon.

Ang Sputnik V ay nagraranggong pangalawa sa mga bakuna sa coronavirus sa mundo pagdating sa bilang ng mga pag-aprubang ibinigay ng mga taga-regula ng pamahalaan.

Ang Sputnik V ay naaprubahan din sa Russia, Belarus, Argentina, Bolivia, Serbia, Algeria, Palestine, Venezuela, Paraguay, Turkmenistan, Hungary, UAE, Iran, Republic of Guinea, Tunisia, Armenia, Mexico, Nicaragua, Republika Srpska (entity of Bosnia and Herzegovina), Lebanon, Myanmar, Pakistan, Mongolia, Bahrain, Montenegro, Saint Vincent and the Grenadines, Kazakhstan, Uzbekistan, Gabon, San-Marino, Ghana, Syria, Kyrgyzstan, Guyana, Egypt, Honduras, Guatemala, Moldova, Slovakia, Angola, Republic of the Congo, Djibouti, Sri Lanka, Laos, Iraq, North Macedonia, Kenya, Morocco, Jordan, Namibia, Azerbaijan, Philippines, Cameroon, Seychelles, Mauritius, Vietnam, Antigua and Barbuda, Mali at Panama.

Sinabi ni Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund:

“Kinalulugod namin ang desisyon ng mga pangregulasyong katawan ng India na magbigay ng awtorisadyon para sa Sputnik V. Ang pag-apruba ng bakuna ay malaking milestone dahil ang Russia at India ay gumagawa ng masusing kooperasyon sa mga klinikal na pagsubok ng Sputnik V sa India at sa lokal nitong produksiyon.

Ang bakunang Russian ay may bisang 91.6% at nagbibigay ng buong proteksiyon laban sa mga malalalang sakit ng COVID-19 tulad ng naipakita ng data na nilathala sa isa sa nangungunang medikal na journal, ang The Lancet.

Ang India ay isang gumagawa ng bakunang hub at ang ating istratehikong kasosyo sa produksiyon ng Sputnik V. Lumikha ang RDIFng pakikipagsosyo sa ilang nangungunang kompanya ng parmasyotiko ng India para sa produksiyon ng Sputnik V na magbibigay ng pagbabakuna ng populasyon sa India at pandaigdigang distribusyon ng bakunang Russian. Mahigit sa 850 milyong dosis ng Sputnik V ang gagawin sa India kada taon na sapat upang bakunahan ang mahigit sa 425 milyong tao sa buong mundo.”

Ang Sputnik V ay may ilang pangunahing bentahe:

  • Ang bisa ng Sputnik V ay 91.6% ayon sa nakumpirma ng data na nilathala sa Lancet, isa sa pinakamatanda sa mundo at pinakanirerespetong medikal na journal; ito ay isa sa tatlong bakuna lang sa mundo na may bisang mahigit sa 90%; Ang Sputnik V ay nagbibigay ng buong proteksiyon laban sa mga malalang kaso ng COVID-19.

  • Ang bakunang Sputnik V ay batay sa napatunayan at mabuting napag-aralang platform ng mga human adenoviral vector, na sanhi ng karaniwang sipon at libo-libo nang taong narito.

  • Gunagamit ang Sputnik V ng dalawang magkakaibang vecxtor para sa dalawang iniksiyon sa kurso ng pagbabakuna, nagbibigay ng immunity na mas matagal ang itatagal kaysa sa mga bakunang gumagamit ng parehong mekanismo ng paghahatid para sa dalawang iniksiyon.

  • Ang kaligatsan, bisa at kakulangan ng negatibong pangmatagalang epekto ng mga adenoviral na bakuna ay napatunayan ng mahigit sa 250 klinikal na pag-aaral sa mahigit dalawang dekada.

  • Walang malalakas na allergy na gulot ng Sputnik V.

  • Ang temperatura sa pag-imbak ng Sputnik V sa +2+8 C ay nangangahulugan na maaari itong iimbak sa kumbensiyonal na refrigerator na hindi kailangang mamuhunan sa karagdagang cold-chain na imprastraktura.

  • Ang presyo ng Sputnik V ay mas mababa sa $10 sa bawat iniksiyon, ginagawa itong abot-kaya sa buong mundo.

***

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinansiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB2 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru

Para sa karagdagang impormasyon, kontakin:

Alexey Urazov
Russian Direct Investment Fund
Direktor para sa External Communications

Cellphone: +7 915 312 76 65
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler

Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!