Balita

Nagpamalas ang Sputnik V ng 97.6% bisa ayon sa pagsusuri ng data mula sa 3.8 milyong nabakunahang tao sa Russia, ginagawa itong pinaka-episyenteng bakuna para sa COVID-19 sa mundo

Moscow, Abril 19, 2021 – Ang Gamaleya National Research Center of Epidemiology at ang Microbiology of the Ministry of Health ng Russian Federation at ang Russian Direct Investment Fund (RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia) ay inanunsiyo ngayon na ang bakunang Sputnik V ay nagpamalak ng bisang 97.6%, batay sa pagsusuri ng data ng rate ng impeksiyon ng coronavirus sa mga nasa Russia na nabakunahan ng mga bahagi ng Sputnik V.

Nagpapanatili ang Ministry of Health ng Russia ng rehistro ng mga taong nabakunahan, pati na mga mamamayan na naimpeksiyon ng COVID bilang bahagi ng Unified State Information System sa Healthcare.

Ayon sa data mula sa 3.8 milyong mga Russian na nabakunahan ng mga bahagi ng Sputnik V mula Disyembre 5, 2020 hanggang Marso 31, 2021 bilang bahagi ng maramihang sibil na programa ng pagbabakuna, ang rate ng impeksiyon na nagsimula mula sa ika-35 araw mula sa petsa ng unang iniksiyon ay 0.027% lang.

Kasabay nito, ang insidente sa mga hindi nabakunahang adult na populasyon ay 1.1% para sa maihahambing na panahong magsisimula sa ika-35 araw makalipas ang paglunsad ng maramihang pagbabakuna sa Russia.

Ang sumusunod na formula ay ginamit para makalkula ang bisa ng bakuna:

form_FILIP_1.jpg

Ang data at mga kalkulasyon ng bisa ng bakuna ay ilalathala sa isang peer-reviewed na medikal na journal sa Mayo.

Aprubado ang Sputnik V para magamit sa 60 bansa na may kabuuang populasyon ng 3 bilyong tao. Ang Sputnik V ay nagraranggong pangalawa sa mga bakuna sa coronavirus sa mundo pagdating sa bilang ng mga pag-aprubang ibinigay ng mga taga-regula ng pamahalaan.

Ang Sputnik V ay naaprubahan din sa Russia, Belarus, Argentina, Bolivia, Serbia, Algeria, Palestine, Venezuela, Paraguay, Turkmenistan, Hungary, UAE, Iran, Republic of Guinea, Tunisia, Armenia, Mexico, Nicaragua, Republika Srpska (entity of Bosnia and Herzegovina), Lebanon, Myanmar, Pakistan, Mongolia, Bahrain, Montenegro, Saint Vincent and the Grenadines, Kazakhstan, Uzbekistan, Gabon, San-Marino, Ghana, Syria, Kyrgyzstan, Guyana, Egypt, Honduras, Guatemala, Moldova, Slovakia, Angola, Republic of the Congo, Djibouti, Sri Lanka, Laos, Iraq, North Macedonia, Kenya, Morocco, Jordan, Namibia, Azerbaijan, Philippines, Cameroon, Seychelles, Mauritius, Vietnam, Antigua and Barbuda, Mali, Panama at India.

Sinabi ni Alexander Gintsburg, Director ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology:

“Ang aktuwal na bisa ng bakunang Sputnik V ay maaaring mas mataas pa sa mga resulta ng mga pinapakita ng pagsusuri namin, dahil ang data sa sistema ng pagpaparehistro ng kaso ay nagpapahintulot ng paglipas ng oras sa pagitan ng pagkuha ng sampol (ang aktuwal na petsa ng sakit) at diyagnosis. Muling nakumpirma ng Sputnik V ang mataas na bisa nito na pigilan ang impeksiyong coronavirus.”

Nagkomento si Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund:

“Ang data na nilathala ng nangungunang medikal na journal na The Lancet ay nagpakita ng bisa ng Sputnik V sa 91.6%. Ang pagsusuri ng data ng rate ng impeksiyon ng halos 4 na milyong nabakunahang tao sa Russia ay nagpapakita na ang bisa ng bakuna ay mas mataas pa, umaabot sa 97.6%. Kinukumpirma ng data na ito na nagpapakita ang Sputnik V ng isa sa pinakamahusay na rate ng proteksiyon laban sa coronavirus sa lahat ng mga bakuna. Ang 60 bansa na nag-apruba sa paggamit ng Sputnik V ay pumili nang tama sa pagpili ng isa sa pinakamabisang kasangkapan para mapigilan ang coronavirus.”

Ang Sputnik V ay may ilang pangunahing bentahe:

  • Ang bakunang Sputnik V ay batay sa napatunayan at mabuting napag-aralang platform ng mga human adenoviral vector, na sanhi ng karaniwang sipon at libo-libo nang taong narito.

  • Gunagamit ang Sputnik V ng dalawang magkakaibang vecxtor para sa dalawang iniksiyon sa kurso ng pagbabakuna, nagbibigay ng immunity na mas matagal ang itatagal kaysa sa mga bakunang gumagamit ng parehong mekanismo ng paghahatid para sa dalawang iniksiyon.

  • Ang kaligatsan, bisa at kakulangan ng negatibong pangmatagalang epekto ng mga adenoviral na bakuna ay napatunayan ng mahigit sa 250 klinikal na pag-aaral sa mahigit dalawang dekada.

  • Walang malalakas na allergy na gulot ng Sputnik V.

  • Ang temperatura sa pag-imbak ng Sputnik V sa +2+8 C ay nangangahulugan na maaari itong iimbak sa kumbensiyonal na refrigerator na hindi kailangang mamuhunan sa karagdagang cold-chain na imprastraktura.

  • Ang presyo ng Sputnik V ay mas mababa sa $10 sa bawat iniksiyon, ginagawa itong abot-kaya sa buong mundo.

***

Ang Gamaleya National Research Center for Epidemiology at ang Microbiology of the Ministry of Health ng Russian Federation ay isa sa pinakamatandang sentro ng pananaliksik sa Russia, na nagdiwang ng ika-100 anibersaryo nito noong 1991. Ang pangunahing pagtuon ng pananaliksik ng sentro ay ang pundamental na epidemiology, medikal at molecular microbiology, at infectious immunology. Higit pang impormasyon ay mahahanap sa www.gamaleya.org

Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinansiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB2 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru

Para sa karagdagang impormasyon, kontakin:

Alexey Urazov
Russian Direct Investment Fund
Direktor para sa External Communications

Cellphone: +7 915 312 76 65
E-mail: [email protected]

Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya
Hudson Sandler

Tel: +44 (0) 20 7796 4133

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!