Ang mga adenoviral vector ay itinuturing na napakaligtas, at ang ilan sa pinakamadaling ma-engineer. Ang mga vector ay mga virus na naalis ang gene na responsible sa replikasyon. Samakatuwid, wala na silang bantang anumang impeksiyon. Gumagamit ang mga scientist ng mga vector para madala ang genetic material mula sa ibang virus – ang iniiniksiyon laban sa – papunta sa selyula ng tao.
Ang mga adenovirus, na nahahanap sa mga adenoid at regular na nagdudulot ng mga malalang respiratoryong impeksiyon, ay nagging mga virus na karaniwang ginagamit para i-engineer ang mga vector. Mahigit sa 350 scientific na pag-aaral ang ginawa at nilathala sa iba’t ibang pagkukunan sa buong mundo patungkol sa paglikha ng mga adenovirus vector.
Listahan ng mga piling artikulo tungkol sa kaligtasan ng mga adenovirus vector ng tao (77 artikulo)
Mahigit sa 20,000 mga tao sa buong mundo ay lumahok sa mga clinical trial sa mga gamit na gumagamit ng mga adenovirus vector
Listahan ng mga clinical trial sa mga human adenovirus-based vector vaccine
Malawakang ginagamit ang mga gamot na nakabatay sa adenovirus ng tao sa loob ng mahigit 50 taon.
Ang isang gamut para makatulong na panggamot sa mga tumor ng kanser sa China ay inaprubahan para magamit ng sibilyang populasyon, at naibigay na sa mahigit sa 30,000 pasyente.
Ang mga scientist mula sa Gamaleya Center ay nagtatrabaho sa adenoviral vector-based na mga bakuna mula noong 1980s, at nangunguna na ngayon sa mundo sa paggawa ng mga ganitong klase ng bakuna.
Ang isa pang adenoviral vector-based na bakuna laban sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS) ay nasa advanced na yugto ng mga clinical trial. Maraming ibang kandidato ng COVID-19 na bakuna ay gumagawa din ng mga adenoviral vector, pero walang gumagamit ng two-vector platform na ginawa ng Gamaleya Center.
Sa proseso ng paglikha ng bakuna, ang gene na may code na coronavirus S (spike) protein ay inilagay sa isang adenoviral vector. Ang inilagay na bahaging ito ay ligtas para sa katawan ng tao, pero tumutulong pa rin sa immune system para mag-react at gumawa ng mga antibody na pumoprotekta sa atin mula sa impeksiyon.
Gamit ang mga adenovirus vector, ang mga scientist sa Gamaleya Center ay matagumpay na lumikha, at nabigyan ng Russian Federation Ministry of Healthcare na sertipiko ng pagpaparehistro, para sa bakuna laban sa Ebola fever na kasama ang mga adenovirus vector.
Sa ibaba, mahahanap mo ang mga link sa white papers at mga scientific publication na nagpapatotoo sa mga bakuna ng N.F. Gamaleya Center laban sa Ebola fever at Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
1. Bakuna para sa EBOLA ng Gamaleya
Clinical trial:
International na Pag-aaral sa Maraming Center tungkol sa Immunogenicity ng Produktong Gamot na GamEvac-Combi
Mga international patent:
International patent na WO2016130047A1 Immunobiological na gamot at pamamaraan para sa paggamit dito para sa pagpapalabas ng partikular na immunity laban sa Ebola virus
Mga registration certificate ng Russian Health Ministry:
Ang GamEvac-Combi ay isang multivalent vector-based na bakuna para sa Ebola
Ang GamEvac-Lyo ay isang multivalent vector-based na bakuna para sa Ebola
Ang GamEvac ay isang vector-based na bakuna para sa Ebola
Mga sayantipikong lathalain:
Dolzhikova IV, Zubkova OV, Tukhvatulin AI, atbp. Kaligtasan at immunogenicity ng GamEvac-Combi, isang heterologous VSV- at Ad5-vectored na bakuna para sa Ebola: Isang bukas na phase I/II na trial sa malulusog na taong nasa hustong gulang sa Russia. Hum Vaccin Immunother. 2017
Dolzhikova IV, Tokarskaya EA, Dzharullaeva AS, atbp. Mga Virus-Vectored na Bakuna para sa Ebola. Acta Naturae. 2017.
Mga kapaki-pakinabang na link:
Halaw mula sa Global Advisory Committee sa pagpupulong tungkol sa Kaligtasan ng Bakuna noong 5-6 Hunyo 2019, na inilathala sa World Health Organization Weekly Epidemiological Record noong 12 Hulyo 2019
Press release ng Russian Foreign Ministry tungkol sa mga clinical trial ng bakuna para sa Ebola ng Russia na Gam Evac Combi sa Guinea, matapos itong mairehistro.
Natapos ng Russia at Rusal ang mga pagbabakuna para sa Ebola sa Guinea. Pharmaceutical Technology (Teknolohiya sa Parmasyutika).
2. Bakuna para sa MERS ng Gamaleya
Pag-aaral tungkol sa Kaligtasan at Immunogenicity ng BVRS-GamVac
Pag-aaral tungkol sa Kaligtasan at Immunogenicity ng BVRS-GamVac-Combi
Ozharovskaia TA, Zubkova OV, Dolzhikova IV, atbp. Immunogenicity ng Iba’t Ibang Anyo ng Middle East Respiratory Syndrome S Glycoprotein. Acta Naturae. 2019;11(1):38-47.
Matagumpay na naipadala ang mensahe!