Moscow, Marso 24, 2021 –Ipinahayag ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso) ang mga resulta ng survey ng YouGov na mayroong 9,417 na respondente mula sa 9 na bansa hinggil sa kanilang gustong bakuna at gustong bansa sa usaping paggawa ng bakuna.
Ayon sa survey, 54% ng mga respondente na pumili ng isang bansa na pinagkakatiwalaan nila sa paggawa ng bakuna, ang Ruso ay itinuring pinakapinagkakatiwalaang tagagawa ng bakuna kasama ng Estados Unidos at naiwan sa huli ang Reyno Unido nang sila ay hiniling na pumili ng 3 bansa na pinakapinagkakatiwalaan nila sa paggawa ng bakuna. Ang Sputnik V, ang pinaka-unang rehistradong bakuna laban sa coronavirus, ay ang pinakakilalang bakuna - higit sa 7 mula sa 10 (74%) taong na survey ay narinig ang bakuna ng Ruso. Ang Sputnik V ay kabilang din sa nangungunang dalawang pinakaginustong bakuna, kasunod lamang sa bakunang ginawa ng Pfizer/BioNTech..
Ang survey ay isinagawa sa pagitan ng Pebrero 18 at Marso 3 ng YouGov, ang nangungunang kumpanya na nakabase sa Reyno Unido para sa pananaliksik ng merkado at pagsusir ng mga datos ng Asya, Latin Amerika, Gitnang Silangan, Hilahang Aprika at Europa. Ang mga residente ng Indiya, Brasil, Mehiko, Pilipinas, Byetnam, Arhentina, Algeria, UAE at Serbia ay lumahok sa survey. Mahigit sa 2 bilyong tao, o higit sa 25% ng populasyon sa buong mundo, ay nakatira sa mga bansang ito.
Mga pangunahing natuklasan sa survey:
Ang Ruso ay lumabas bilang pinakapinagkakatiwalaang bansa sa paggawa ng bakuna kasama ng Estados Unidos at naiwan sa huli ang Reyno Unido nang sila ay hiniling na pumili ng 3 bansa na pinakapinagkakatiwalaan nila sa paggawa ng bakuna.
Isa sa tatlong respondente (33%) sa mga taong pumili ng kagustuhan, ay gugustuhing mabakunahan ng Sputnik V.
Ito ang pangalawang pinakagustong bakuna kasunod ng bakunang Pfizer/BioNTech vaccine (37%).
Ang Sputnik V ay ang pinakakilalang bakuna: Narinig ng 74% ng mga na-survey na tao ang bakuna ng Ruso; Ang Pfizer/BioNTech ay nasa pangalawang puwesto (69%), habang ang AstraZeneca (Unibersidad ng of Oxford) ay may pangatlong posisyon na may 60%.
Isinasaalang-alang lamang ng halos kalahati (47%) ng mga respondente na pumili ng kanilang kagustuhan ang 90% o mas mataas bilang katanggap-tanggap na pinakamababang antas ng pagiging epektibo ng bakuna para sa kanilang pagbabakuna (halimbawa, Sputnik V, na may napatunayang bisa na 91.6%).
Napakalaking bilang ng mga respondente (84%) ay nais na ipagpaliban ang kanilang pagbabakuna ng hindi gaanong mabisang bakuna na nasa humigit-kumulang 60% pagkabisa, para sa isang bakunang may mas mataas na pagkabisa na higit sa 90%.
77 porsyento ng mga respondente ang naniniwala na ang mga gobyerno ay dapat magbigay ng pantay na access sa lahat ng iba't ibang bakuna para sa populasyon at bigyan ang bawat tao ng pagpipilian kung aling bakuna ang gagamitin para sa pagbabakuna.
Komento ni Kirill Dmitriev, Punong Ehekutibong Opisyal ng Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso: “Ang mga resulta ng survey ng YouGov sa iba't ibang lugar sa mundo ay muling ipinakita ang mataas na kumpiyansa ng mga respondente sa Ruso bilang tagagawa ng bakuna at sa bakunang Sputnik V. Salamat sa pambihirang kakayahan ng agham ng Ruso, ang bakunang Sputnik V ay lumiligtas mga buhay sa buong mundo dahil naaprubahan ito para magamit sa higit sa 50 bansa. Ang bakuna ay may maraming pangunahing benepisyo, kabilang ang 91.6% pagkabisa, na kinumpirma ng nangungunang medikal na journal na The Lancet, pati na rin ang napatunayang ligtas na plataporma ng adenoviral vector ng tao, kaakit-akit na supply chain logistics at abot-kayang halaga, na nagdulot sa Sputnik V upang maging isa sa pinakamahusay na mga bakuna sa buong mundo.”
***
Ang Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso (Russian Direct Investment Fund o RDIF) ay isang soberanong pondo ng kayamanan ng Ruso na itinatag noong 2011 upang makagawa ng mga equity co-investment, karamihan sa Ruso, kaagapay ang mga kagalang-galang na pampinansyal at estratehikong mamumuhunan. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Ruso. Ang kumpanyang namamahala sa RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkakasabay na pagpapatupad ng higit sa 80 proyekto kasama ang mga dayuhang kasosyo, na umaabot sa higit sa RUB 2 trilyon at sumasaklaw sa 95% ng rehiyon ng Pederasyong Ruso. Ang mga portpolyong kumpanya ng RDIF ay gumagamit ng higit sa 800,000 katao at nagbubunga ng kita na katumbas ng higit sa 6% ng GDP ng Ruso. Ang RDIF ay nagtaguyod ng pinagsamang estratehikong pakikipagsosyo sa mga nangungunang internasyonal na kasosyo sa pamumuhunan mula sa higit sa 18 bansa at kabuuang halaga na higit sa $ 40 bilyon. Makikita ang karagdagang impormasyon sa rdif.ru
Makipag-ugnayan para sa karagdagang impormasyon:
Alexey Urazov Direktang Pondo ng Pamumuhunan ng Ruso Direktor ng Panlabas na Komunikasyon Mobile: +7 915 312 76 65 E-mail: [email protected]
Ang lahat ng numero, maliban kung nakasaad sa ibang paraan, ay mula sa YouGov Plc. Ang kabuuang sukat ng sample ay 9,417 adulto sa Indiya (1,022), Brasil (1,006), Mehiko (1,009), Pilipinas (1,127), Byetnam (1,112), Arhentina (1,002), Algeria (1,085), UAE (1,054) at Serbia (1,000). Ang survey ay isinagawa sa pagitan ng Pebrero 18 - Marso 3, 2021. Ang survey ay isinagawa sa online.
Matagumpay na naipadala ang mensahe!