Ito ang isa sa pinakamalaking iisang delivery ng COVID vaccine sa isang Latin American na bansa
Moscow, Disyembre 24, 2020 – Inanunsiyo ng Russian Direct Investment Fund (RDIF, ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia) ang paghahatid ng unang batch ng 300,000 dosis ng Sputnik V, ang unang nakarehistrong bakuna sa mundo laban sa coronavirus, sa Argentina.
Ang paghahatid na ito ay bahagi ng kabuuang dami ng supply ng 10 milyong dosis na pinagkasunduan ng RDIF at ng Pamahalaan ng Argentina noong Disyembre 10, 2020. Noong Disyembre 23, ang National Administration of Drugs, Foods and Medical Devices (ANMAT) ng Argentina ay nagbigay sa Sputnik V ng pang-emerhensiyang paggamit na awtorisadyon ay inaprubahan ang paggamit ng bakuna sa bansa.
Ang supply ng 300,000 dosis sa Argentina ay isa sa pinakamalaking iisang shipment ng COVID na bakuna sa anumang bansa sa Latin America.
Ang Sputnik V ay may kakaibang pangkat ng parametro na ginagawa itong isa sa pinaka-kumpetitibong bakuna sa buong mundo. Noong Disyembre 14, inanunsiyo ng Gamaleya National Center at RDIF ang mga resulta ng ikatlo at panghuling kontrol point na pagsusuri ng data na nakuha 21 araw matapos ibigay ang unang dosis sa mga boluntaryo. Ang bisa ng bakuna ay 91.4%. Ang kalkulasyon ay batay sa pagsusuri ng data sa mga boluntaryo (n = 22,714) na natanggap ang una at pangalawang dosis ng Sputnik V na bakuna o placebo sa pangatlo at panghuling punto ng kontrol ng 78 kumpirmadong kaso ayon sa protokol ng klinikal na pagsubok na Phase III. Kinumpirma na ang bakuna ay napakabisa, sa rate na mas mataas sa 90%, sa bawat isa sa tatlong punto ng kontrol ng mga klinikal na pagsubok (20, 39 at 78 kumpirmadong kaso ng imeksiyon ng novel coronavirus sa mga boluntaryo sa pangkat ng placebo at sa pangkat na nakatanggap ng bakuna).
Nagpakita ang bakuna ng 100% bisa laban sa malalang kaso ng coronavirus. Mayroong 20 malalang kaso ng impeksiyon ng coronavirus sa mga kumpirmadong kaso sa pangkat ng placebo at walang malalang kaso sa pangkat ng bakuna.
Ang gastos sa isang dosis ay mas mababa sa $10 para sa mga pandaigdigang merkado at ang produksiyon ng lyophilized (dry) form ng bakuna, na nakaimbak sa temperaturang +2 hanggang +8 degrees Celsius, ay nagpapahintulot na ang bakuna ay madaling maipamahagi sa mga pandaigdigang merkado.
Nagkomento si Kirill Dmitriev, CEO ng Russian Direct Investment Fund:
“Ang paghahatid ng bakunang Sputnik V sa Argentina ay magandang halimbawa ng pakikipagtulungan sa pagitan ng ating mga bansa at tunay na makasaysayang sandali. Pinanood ng buong bansa ang eroplano na may unang batch ng Sputnik V na bakuna na lumapag sa Ezeiza Airport sa Bisperas ng Pasko na may malaking pag-asa na ito ang simula ng bagong panahon ng walang COVID. Ang V sa pangalan ng bakuna namin ay tumatayo para sa Victory at nais naming magkaroon ng mapagpasyang tagumpay ang mga tao sa Argentina sa sakit na ito.
Ang Argentina ay naging unang bansa sa Latin America na opisyal na nagpahintulot sa paggamit ng bakunang Sputnik V. Ang paghahatid ng 300,000 dosis ay magpapahintulot sa mga kasosyo natin sa Argentina na magsimula ng malawakang pagbabakuna bago matapos ang 2020. Ang Sputnik V ay ginagamit na sa pagbabakuna sa Russia at sinusuportahan namin ang desisyon ng Pamahalaan ng Argentina sa isama ang bakuna namin sa pambansang portfolio ng mga anti-COVID na kasangkapan dahil ang Sputnik V ay batay sa ligtas at mabuting napag-aralang plataporma ng mga human adenoviral vector na napatunayan na sa paglipas ng mga dekada”.
***
Ang Russian Direct Investment Fund (RDIF) ay ang soberanong pondo ng kayamanan ng Russia na tinaguyod noong 2011 para gumawa ng mga equity co-investment, pangunahin sa Russia, kasama ng mga may mabuting reputasyong pandaigdigang tagapuhunang pinansiyal at istratehiko. Ang RDIF ay gumaganap bilang isang katalista para sa direktang pamumuhunan sa ekonomiya ng Russia. Ang kompanya ng pamamahala ng RDIF ay nakabase sa Moscow. Sa kasalukuyan, ang RDIF ay may karanasan sa matagumpay na magkasamang pagpapatupad sa mahigit 80 proyekto sa mga banyagang kasosyo, na sa kabuuan ay mahigit RUB1.9 tn at sumasaklaw sa 95% ng mga rehiyon ng Russian Federation. Ang mga portfolio na kompanya ng RDIF ay nag-eempleyo ng mahigit sa 800,000 tao at kumikita nang mahigit sa 6% ng GDP ng Russia. Nagtaguyod ang RDIF ng mga pinagsamang istratehikong pagsososyo sa mga nangungunang pandaigdigang kapwa namumuhunan mula sa mahigit 18 bansa na sa kabuuan ay mahigit sa $40 bn. Ang karagdagang impormasyon ay makikita sa rdif.ru
Para sa karagdagang impormasyon, kontakin:
Arseniy Palagin Russian Direct Investment Fund Press Secretary Tel: +7 495 644 34 14, ext. 2395 Cellphone: +7 916 110 31 41 E-mail: [email protected]
Andrew Leach / Maria Shiryaevskaya Hudson Sandler Tel: +44 (0) 20 7796 4133
Matagumpay na naipadala ang mensahe!