Ipoproseso ang inyong personal na datos ayon sa patakaran sa kumpidensyalidad
13.10.2021 Press release
06.05.2021 Press release
07.02.2022, Manila Magazine
28.01.2022, ABS-CBN
21.01.2022, Interaksyon
Inaanyayahan ng Pondo ng Rusa para sa Direktang Pamumuhunan (Russian Direct Investment Fund) ang mga independiyenteng internasyonal na mananaliksik at pang-agham na institusyon upang makipagtulungan sa totoong-mundo na pag-aaral ng kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakunang kontra coronavirus, kabilang ang Sputnik V, Sputnik Light at iba pa.
Sa unang anibersaryo ng pagpaparehistro ng Sputnik V, ang opisyal na data mula sa mga nangungunang bansa ay kumukumpirma ng profile ng mataas na kaligtasan at bisa ng bakuna.
Ang kaligtasan at bisa ng Sputnik V at Sputnik Light ay kinumpirma ng maraming publikasyon sa mga nangungunang pandaigdigang siyentipikong journal kabilang ang The Lancet at Mga Bakuna.
Ang teknolohiya ng paggamit ng mga adenoviral vector bilang mga bakunang vector ay sinimulang i-develop noong 80s sa nakaraang siglo, at maraming pag-aaral ang nagpatunay sa bisa at kaligtasan ng teknolohiyang ito.
Ang Gamaleya National Center of Epidemiology and Microbiology ang nangungunang institusyon sa pananaliksik sa buong mundo na itinatag noong 1891.
Pinapatakbo ng center ang isa sa mga natatanging “virus library” sa buong mundo at mayroon itong sariling pasilidad para sa paggawa ng bakuna. Kamakailan lang, nakatanggap ang Gamaleya Research Center ng international patent ng bakuna para sa Ebola gamit ang adenovirus vector.
Nakatanggap ang bakuna ng registration certificate (sertipiko ng pagpaparehistro) mula sa Russian Ministry of Health at ayon sa mga panuntunang pang-emergency na pinapagtibay sa panahon ng pandemya, magagamit ito upang bakunahan ang populasyong nasa Russia. Ang pagkabisa ng Sputnik V ay napatunayan ng internasyonal na pagsusuri ng datos ng mga kasamahan at ito ay inilathala sa The Lancet.
Bukas ang Russia sa internasyonal na kooperasyon sa paglaban sa pandaigdigang banta ng pandemyang COVID-19 at mga ibang epidemya sa hinaharap. Aktibo kaming nakikipagtulungan sa mahigit 14 na bansang gumagawa ng bakuna namin sa ibayong dagat, kasama ang India, Tsina, Brazil, Mehiko, Ehipto, Iran, Italya, South Korea, Argentina, Kazakhstan, at Republic of Belarus, Serbia, Turkey, Vietnam, atbp. Umaasa kami sa mga bagong pakikipagsosyong nais na sumali sa inisyatibong ito at matulungan kaming mailigtas ang mga buhay.
Marie-Paule Kieny Director ng Research sa INSERM
…ang mga pananaliksik na publikasyon ng Gamaleya Institute ay sumusuporta sa data ng Russian Direct Investment Fund (RDIF) sa bisa ng Sputnik V laban sa coronavirus na impeksiyon.
Hugo Pizzi Infectious Disease Specialist, Epidemiologist, Master in Public Health, at Professor sa National University of Córdoba
Kaya, ang pagkakaroon ng 2 magkakaibang klase ng mga viral vector ay nagpapahintulot sa mas matibay na pag-immunize ng mga tao. Ngayon, nagsimula ang mundong magtrabaho para makita kung maaaring pagsamahin ang pangalawang dosis ng isang brand sa una ng ibang brand pero, sa pangakalahatan, kumbinsido ako na dapat nating respetuhin ang mga lumikha.
Gaeqa Saeed Al-Saleh Health Minister ng Bahrain
Kinumpirma ng aming data ang mataas na bisa at kaligtasan ng Sputnik V sa paggamit nito sa Bahrain. Ang bakunang ito ay isa sa ilang mga aprubadong bakunang ginawang makukuha nang libre sa mga mamamayan at residente sa Kingdom.
Mohammed Ahmed Al-Jaber UAE Ambassador sa Russia
Ang panghuling yugto ng pananaliksik at mga klinikal na pagsubok ay nagpakita na ang bisa ng bakunang Sputnik V ay nananatili sa 91.4%, habang pinipigilan ng bakuna ang 100% ng mga malalang kaso. Mula sa mga unang araw ng pandemya, binigyang-diin ng Russia at UAE ang kahalagahan ng mga pinagsamang pagsusumikap para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Gulyás Gergely Miyembro ng National Assembly ng Hungary
Ang mga resulta ng lahat ng mga test ay iaanunsiyo. Subalit, ayon sa data na makukuha ngayon, ang mga resulta ng pagbabakuna (sa kaso ng ilang mga bakuna — sa halaga ng mahigit kalahating milyong dosis, at sakaling sa iba — sa halagang isang milyong dosis) ay nagpapakita na ang Sinopharm na bakuna ay mas mahusay sa Pfizer, pero ang Sputnik ay ang pinakamahusay sa lahat.
Peter Altmaier Minister ng Economics
Mayroong «malapitang pakikipag-ugnayan sa Russia sa produksiyon ng bakuna. Kapwa ang Germany at ang Russia, sa Biontech at Sputnik V, ay kasama sa mga nanguna sa pag-develop ng mga bakuna laban sa corona. Natural, ang Sputnik V ay dapat aprubahan sa European Union.
Alberto Fernández Presidente ng Argentina
Sabik na sabik kami sa posibilidad ng paggawa ng Sputnik V sa Argentina, isang bakuna na nagbibigay na ng proteksiyon sa malaking bahagi ng ating populasyon na may mga ekselenteng resulta. Napakagandang pagkakataong isulong ang laban sa pandemya hindi lang sa Argentina, pero pati sa Latin America.
Dr Naor Bar-Zeev International Vaccine Access Center, Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health, USA Dr. Tom Inglesby Direktor ng Center for Health Security of the Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health
Ang dalawang pag-aaral ni Logunov at mga kasamahan niya ay may maraming kalamangan. Una, ang mga adenovirus ay matatagpuan sa lahat ng dako, kaya't ang imyunidad ng mga tao ay maaaring hindi naman walang kamuwang-muwang. Ang pangalawang kalamangan ay ang basehan (threshold) ng neutralisasyon na ginamit sa dalawang pag-aaral. Ang pangatlong kalamangan ay ang bakuna, gaya sa mga nauna dito, ay nakapagdulot ng malawak na reaksyong sa sistema ng panlaban sasakit. Bagaman hindi partikular na tinalakay, ang mga resulta ay nagpapakita ng T-helper1-cell-weighted na reaksyon na maaaring mahalaga sa kaligtasan ng bakuna na maaaring mabawasan ang panganib ng paglala ng sakit sanhi ng dulot ng pagdepende sa antibody (antibody-dependent enhanced disease). Ang ika-apat na kalamangan ay ang pagbuo ng dalawang pormulasyon ng bakuna, ang nakayelo at lyophilized. Ang lyophilised na pormulasyon ay maaaring mangahulugan ng katatagan sa loob ng umiiral na pandaigdigang pinalamig na kadena para sa bakuna, na kinakailangan upang mapanatili ang bisa ng bakuna mula sa pabrika hanggang sa taong gagamit ng bakuna, at ito ay isang hadlang na dapat pang tugunan ng ibang mga bakuna. Bagaman mas magastos para sa pangmaramihang produksyon, ang katatagan ng produkto ay lubos na pinalalayo ang maaabutan na mga malalayong lugar, na kinakailangan upang makamit ang pangkalahatan at pantay na saklaw.
Prof Nadey Hakim Bise-Presidente ng British Red Cross, Bise-Presidente ng International Medical Sciences Academy
Ang mga resulta ng mga klinikal na pagsubok ng bakunang Ruso na Sputnik V ay nagpakita ng mga kamangha-manghang resulta, na kinikilala na ngayon ng internasyonal na medical na komunidad. Ang bakuna ay ipinakitang ligtas at mabisa nang walang natukoy na mga seryosong masamang epekto at gumagamit ng napatunayan na plataporma batay sa mga pantaong adenoviral vector, na kasalukuyang pinakaligtas na mekanismo para sa pagpasok ng genetic code ng spike ng virus sa katawan ng tao. Ang pamamaraang ito ay napag-aralan nang mabuti hindi lamang sa Ruso kundi pati na rin sa buong mundo. Ang Ruso ay may mahaba at matagumpay na kasaysayan sa pagbuo ng mga bakuna at nananatiling isang pandaigdigang pinuno sa larangang ito. Inaasahan namin na ang bakuna ay malapit nang magamit sa buong mundo upang makatulong sa pagtigil ng nakakapinsalang pandemya at magbigay-daan sa mga tao para makabalik sa normal na buhay.
Dr Muhammad Munir Lektor sa Molecular Virology sa Lancaster University
Mayroong mga katangian na nagbibigay-daan sa pagiging maaasahang kandidato ang Sputnik V. Ang ideya ng paggamit ng dalawang magkakaibang adenovirus bilang vector ay higit na mahusay kaysa sa maraming nangungunang bakunang. Sa pangkalahatan, kinikilala ng sistemang panlaban sa sakit ang mga protina ng vector bilang antigen na katulad ng protinang S ng SARS-CoV-2, kaya ito ay nagbubunga din ng reaksyon sa sistemang panlaban sa sakit laban sa mga protinang iyon. Kung ang mga tao ay muling binakunahan (bilang pangalawang dosis o paulit-ulit na bakuna), ang dati nang naroroon na kaligtasan sa sakit (immunity) ay maaaring ikompromiso ang bisa ng ikalawang dosis ng bakuna. Ang paggamit ng vector na may ibang kalikasan, tulad ng nasa Sputnik V, ay makakaiwas sa problemang ito.
Prof Brendan Wren Propesor ng Microbial Pathogenesis, London School of Hygiene & Tropical Medicine
Ang mga datos mula sa mga pag-aaral ng bakuna ng Ruso na iniulat sa Lancet ay nakakapagbigay ng pag-asa --- ipinapakita ang kaligtasan at immunogenicity ng mga bakunang COVID-19 na base sa adenovirus.
Prof. Polina Stepensky Tagapangulo ng Bone Marrow Transplantation and Cancer Immunotherapy Department ng Hadassah hospital
Una, dapat kong bumati ng ‘Bravo!’ sa mga Rusong siyentista at mga Rusong pangkalusugang propesyonal. Ang teknolohiyang ito at pang-agham na paraan ay lubos naming nauunawaan at ganap na inaapruba. Kayo ay nagakamit ng tunay na tagumpay sa agham at sa medisina. Kami ay talagang nagpapasalamat sa inyong pambihirang mahusay na trabaho. Hindi pangkaraniwan ang pagbunga ng humoral pati na rin ng cell-mediated na reaksyon ng sistemang panlaban sa sakit. Ito ay nakamit sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang magkakaibang vector sa paghahatid ng gamot at, sa parehong oras, naglulutas sa problema ng posibleng pagkontra (neutralization) sa epekto ng ikalawang iniksyon. Ang napakataas na epektibo ng dalawang napiling adenovirus ay napatunayan na. Kaya, ang plataporma na ginamit ng Gamaleya Institute ay ang tamang plataporma. Ang nagawang trabaho ay nagbibigay-daan sa labis na paggalang, at ang bakuna mismo ay karapat-dapat sa pag-aaral at paggamit.
Dr. Stephane Gayet Propesor sa Strasbourg University, doktor sa Strasbourg University Hospital
Ito ay isang mahalaga at mabisang bakuna na personal kong inaasahan. Lubhang interesado ako sa nagawa ng mga Rusong mananaliksik. Napagtanto ko na ang isa sa mga pinakanangungunang pamamaraan ang ginagamit - ang adenoviral vector na paraan.
Dr. Fabio Vilas-Boas Pinto Kalihim ng Kalusugan ng Estado ng Bahia
Ang Pamahalaan ng Estado ng Bahia, sa Brasil, ay labis na nasisiyahan sa kasunduang nilagdaan kasama ng Sovereign Wealth Fund ng Pederasyon ng Ruso, na naggagarantiya sa pagkakaroon ng bakunang Sputnik V para sa mga mamamayan ng Brasil, sa sandaling maaprubahan ito ng mga awtoridad sa pambansang regulasyon ng Brasil. Dahil ito ay isang bakuna na binuo gamit ang adenovirus para sa tao, na isa sa mga pinakaligtas at pinakamabisang plataporma sa pagbuo ng bakuna sa mundo, naniniwala kami na ang mga resulta ng nagpapatuloy na nga Ika-3 yugto ng klinikal na pagsubok ay magkukumpirma sa mga datos na nakita sa Ika-1 at Ika-2 yugto.
G V Prasad Co-Chairman at Tagapamahalang Direktor ng Dr. Reddy’s Laboratories
Ikinalulugod naming makasama ang RDIF sa pagdala ng bakuna sa Indiya. Ang mga resulta ng Ika-I at Ika-II Yugto ay nagpakita ng pag-asa, at kami ay magsasagawa ng mga Ika-III Yugto na pagsubok sa Indiya upang matugunan ang mga kahilingan ng mga tagapangasiwa sa Indiya. Ang bakunang Sputnik V ay maaaring magbigay ng kapani-paniwalang pagpipilian sa aming paglaban sa COVID 19 sa Indiya.
Shavkat Ismailov Tagapangulo ng LAXISAM Group of Companies
Ang pakikipagtulungan sa bakunang Sputnik V kasama ang RDIF ay gumaganap ng mahalagang papel. Ang bakuna ay nilikha ng mga Rusong siyentista batay sa pinakanangungunang siyentipiko at klinikal na pananaliksik.
Polina Stepensky Tagapangulo ng Bone Marrow Transplantation and Cancer Immunotherapy Department sa Hadassah hospital, Israel
Una, ang masasabi ko sa mga siyentipiko at propesyonal sa kalusugan ng Russia ay ‘Bravo!’. Lubos naming nauunawaan at ganap na inaaprubahan ang teknolohiya at siyentipikong pamamaraang ito. Tunay kayong nagtagumpay sa agham at sa medisina. Lubos kaming nagpapasalamat na naging mahusay ang inyong nagawa.
The Jerusalem Post
21.08.2020
Zhong Nanshan Direktor ng Guangzhou Institute of Respiratory Diseases, China
Malaki ang tiwala ko sa bakuna laban sa COVID-19, na ginawa ng Gamaleya Center. Binabati ko ang inyong bansa sa pagkumpleto ng proseso ng pagpaparehistro ng estado. Ligtas ang adenoviral na bakuna ng Russia at dapat nitong matagumpay na makumpleto ang mga klinikal na pagsubok nito.
RIA Novosti
20.08.2020
Hildegund Ertl Propesor, Vaccine & Immunotherapy Center sa Wistar Institute sa Philadelphia, USA
Sa aking nakikita, ang mga ito ang malamang na pinakamahusay na platform.
C&EN
12.05.2020
Ian Jones Propesor ng virology sa Reading University, United Kingdom
May sapat na pangkalahatang background na data sa mga recombinant adenovirus-based na bakuna upang ipagpalagay na magiging ligtas sa mga karaniwang dosis ang mismong bakuna.
BusinessDay
Ashwani Mahajan Pambansang co-convener ng Swadeshi Jagran Manch, India
Kapag nalutas na ang isyu sa pagiging mabisa, magiging mahalagang isyu ang halaga. Sa aking palagay, papasa sa pagsubok ang bakuna ng Russia sa dalawang alalahaning ito.
Sputnik
Denis Logunov Deputy Director for Scientific Research sa Gamaleya Center
Ang bisa ng bakunang Sputnik V laban sa Delta variant ay lagpas sa 90% dahil nagpapakita ang Sputnik V ng mas maliit na pagbabawas ng bisa laban sa Delta kaysa sa anumang ibang bakuna na naglathala ng mga resulta nito alinsunod sa Delta variant.
Interfax
29.06.2020
Kirill Dmitriev Kirill Dmitriev, CEO ng RDIF
Ang Sputnik V ay naging pinakaunang bakuna sa mundo na nagpatunay kung gaano kabuti gumagana ang mga “cocktail” na bakuna. Ang Sputnik V mismo ay mabuting halo ng “cocktail” ng dalawang component – Ad5 at Ad26 adenovirus vectors.
RBC
04.06.2020
Aleksandr Gintsburg Director ng N. F. Gamaleya National Research Center of Epidemiology and Microbiology ng Ministry of Health ng Russian Federation
Ang mga antibody na nabuo sa paggamit ng Sputnik V ay nagbibigay ng proteksiyon mula sa lahat ng mga kilalang strain ngayon – mula sa British hanggang sa Delta variant, ang Indian.
Gazeta.ru
20.06.2020
Kirill Dmitriev CEO ng Russian Direct Investment Fund
“Panahon na ng Sputnik... Nagulat ang mga Amerikano noong narinig nila ang tungkol sa Sputnik. Kapareho ito ng bakunang ito. Ang Russia ang mauuna,” ang sabi ni Kirill Dmitriev, pangulo ng sovereign wealth fund ng Russia, na nagbibigay ng pondo sa pananaliksik ng bakuna ng Russia, na tumutukoy sa matagumpay na paglulunsad noong1957 ng unang satellite sa mundo ng Soviet Union.
CNN
29.07.2020
Alexander Gintsburg Direktor ng National Research Center of Epidemiology and Microbiology
Ang aming teknolohiya ay may patent, natatangi, at may mga parameter, na ipinagmamalaki kong sabihin, na lumalampas sa mga kakayahan ng mga analogous na produktong ginagawa sa Kanluran, <…> pinakamalamang na, kung may anumang paghiram, ang aming proseso ng pagbabakuna ang hihiramin, at ikagagalak naming ibahagi ang aming mga pamamaraan sa mga kasamahan, kung kailangan nila ito.
17.07.2020
Hindi talaga mag-o-overlap ang ilang bakuna sa isa’t isa. Alinsunod sa mga pangkalahatang pagsasaalang-alang, dapat ay may partikular na agwat ng panahon ang mga pagbabakuna; sapat na ang dalawa o tatlong linggo," ang sabi ng eksperto. "Napakahusay ng ating immune system at magiging sapat na ang panahong ito upang maunawaan nito kung paano kumilos nang maayos kaugnay ng mga bagong antigen na ibinigay rito tulad ng bakuna.
TASS
19.07.2020
Ginagawa ang mga sangkap na ginagamit namin para sa pagbabakuna batay sa adenovirus. Hindi buhay ang mga ito. Nalalapat ang terminong ‘buhay’ sa mga sangkap na maaaring mag-reproduce nang mag-isa. Walang kakayahang dumami ang mga sangkap na pinag-uusapan, kaya hindi dapat mangamba na maaaring magdulot ang mga ito ng kaunting panganib sa ating katawan. Walang salik para dito.
05.08.2020
Denis Loginov Deputy Research Direktor ng National Research Center of Epidemiology and Microbiology
Hindi ko minomonopolyo ang mga merkado — gumagawa ako ng mga gamot. At kailangang maging mahusay at mabisa ang aking gamot. Mahalaga kung sino ang magbebenta nito at kung paano, ngunit hindi iyon ganoong kahalaga. Hindi ka maaaring maging microbiologist o virologist sa ngayon at hindi makialam dito.
Meduza
23.07.2020
Panahon na upang pigilan ang mga walang katapusang pagtatalo tungkol sa pinakamabisang paraan upang labanan ang coronavirus. Inilalagay ng mga ito sa panganib ang mga buhay, pati na rin ang ekonomiya ng mundo. Dapat ay sama-samang magtakda ng pinakamahusay na kasanayan ang mga bansa sa buong mundo —kabilang ang mandatoryong pagsusuot ng mask, pagpapanatili ng social distancing, at pagbabahagi ng madadaling gamiting solusyon—bago pa maging huli ang lahat. Nakikipagtulungan ang aming fund sa maraming bansa sa larangang ito. Naniniwala kaming sa pamamagitan lang ng ganap na nakikiisa at pandaigdigang pamamaraan matagumpay na malalabanan ito at ang mga pandemya sa hinaharap.
Newsweek
14.07.2020
Denis Logunov Deputy Research Direktor ng National Research Center of Epidemiology and Microbiology
Maling sabihing nakagawa kami ng bakuna mula sa wala sa maikling panahon. Apat na dekada na ang lumipas mula noong ginamit ang adenoviral vector na teknolohiya. Sa apat na dekadang ito, may nagawang panteknolohiyang platform na sinubukan sa libo-libong tao, batay sa ika-5 at ika-26 na serotype vector. Mula noong 2015, mahigit 3,000 tao na ang nabakunahan ng mga adenoviral vector-based na bakunang ginawa sa Gamaleya Centre. Samakatuwid, hindi ito 5 buwang pagsusumikap sa anumang paraan, ngunit pinagsumikapan ito sa loob ng ilang dekada.
17.08.2020
Felix Ershov Academician ng Russian Academy of Sciences
Makasaysayang pangyayari ang paggawa ng mabisang bakuna laban sa coronavirus hindi lang para sa agham at industriya ng Russia, ngunit para din sa buong mundo. Ginagarantiya ang kaligtasan ng bakuna, dahil gumagamit ito ng cold virus na hindi mapanganib para sa mga tao at hindi ito naglalaman ng mismong coronavirus, bagama’t mayroon lang bahagi ng genetic code nito, na samakatuwid ay inaalis ang posibilidad ng impeksyon. Nakakuha tayo ng mabisang tool na may kakayahang manalo laban sa pandemya!
Felix Ershov
11.08.2020
Matagumpay na naipadala ang mensahe!