Mga testimonya

Prof Brendan Wren
Propesor ng Microbial Pathogenesis, London School of Hygiene & Tropical Medicine

Ang mga datos mula sa mga pag-aaral ng bakuna ng Ruso na iniulat sa Lancet ay nakakapagbigay ng pag-asa --- ipinapakita ang kaligtasan at immunogenicity ng mga bakunang COVID-19 na base sa adenovirus.

Prof. Polina Stepensky
Tagapangulo ng Bone Marrow Transplantation and Cancer Immunotherapy Department ng Hadassah hospital

Una, dapat kong bumati ng ‘Bravo!’ sa mga Rusong siyentista at mga Rusong pangkalusugang propesyonal. Ang teknolohiyang ito at pang-agham na paraan ay lubos naming nauunawaan at ganap na inaapruba. Kayo ay nagakamit ng tunay na tagumpay sa agham at sa medisina. Kami ay talagang nagpapasalamat sa inyong pambihirang mahusay na trabaho. Hindi pangkaraniwan ang pagbunga ng humoral pati na rin ng cell-mediated na reaksyon ng sistemang panlaban sa sakit. Ito ay nakamit sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang magkakaibang vector sa paghahatid ng gamot at, sa parehong oras, naglulutas sa problema ng posibleng pagkontra (neutralization) sa epekto ng ikalawang iniksyon. Ang napakataas na epektibo ng dalawang napiling adenovirus ay napatunayan na. Kaya, ang plataporma na ginamit ng Gamaleya Institute ay ang tamang plataporma. Ang nagawang trabaho ay nagbibigay-daan sa labis na paggalang, at ang bakuna mismo ay karapat-dapat sa pag-aaral at paggamit.

Dr. Stephane Gayet
Propesor sa Strasbourg University, doktor sa Strasbourg University Hospital

Ito ay isang mahalaga at mabisang bakuna na personal kong inaasahan. Lubhang interesado ako sa nagawa ng mga Rusong mananaliksik. Napagtanto ko na ang isa sa mga pinakanangungunang pamamaraan ang ginagamit - ang adenoviral vector na paraan.

Dr. Fabio Vilas-Boas Pinto
Kalihim ng Kalusugan ng Estado ng Bahia

Ang Pamahalaan ng Estado ng Bahia, sa Brasil, ay labis na nasisiyahan sa kasunduang nilagdaan kasama ng Sovereign Wealth Fund ng Pederasyon ng Ruso, na naggagarantiya sa pagkakaroon ng bakunang Sputnik V para sa mga mamamayan ng Brasil, sa sandaling maaprubahan ito ng mga awtoridad sa pambansang regulasyon ng Brasil. Dahil ito ay isang bakuna na binuo gamit ang adenovirus para sa tao, na isa sa mga pinakaligtas at pinakamabisang plataporma sa pagbuo ng bakuna sa mundo, naniniwala kami na ang mga resulta ng nagpapatuloy na nga Ika-3 yugto ng klinikal na pagsubok ay magkukumpirma sa mga datos na nakita sa Ika-1 at Ika-2 yugto.

G V Prasad
Co-Chairman at Tagapamahalang Direktor ng Dr. Reddy’s Laboratories

Ikinalulugod naming makasama ang RDIF sa pagdala ng bakuna sa Indiya. Ang mga resulta ng Ika-I at Ika-II Yugto ay nagpakita ng pag-asa, at kami ay magsasagawa ng mga Ika-III Yugto na pagsubok sa Indiya upang matugunan ang mga kahilingan ng mga tagapangasiwa sa Indiya. Ang bakunang Sputnik V ay maaaring magbigay ng kapani-paniwalang pagpipilian sa aming paglaban sa COVID 19 sa Indiya.

Shavkat Ismailov
Tagapangulo ng LAXISAM Group of Companies

Ang pakikipagtulungan sa bakunang Sputnik V kasama ang RDIF ay gumaganap ng mahalagang papel. Ang bakuna ay nilikha ng mga Rusong siyentista batay sa pinakanangungunang siyentipiko at klinikal na pananaliksik.

Polina Stepensky
Tagapangulo ng Bone Marrow Transplantation and Cancer Immunotherapy Department sa Hadassah hospital, Israel

Una, ang masasabi ko sa mga siyentipiko at propesyonal sa kalusugan ng Russia ay ‘Bravo!’. Lubos naming nauunawaan at ganap na inaaprubahan ang teknolohiya at siyentipikong pamamaraang ito. Tunay kayong nagtagumpay sa agham at sa medisina. Lubos kaming nagpapasalamat na naging mahusay ang inyong nagawa.

Zhong Nanshan
Direktor ng Guangzhou Institute of Respiratory Diseases, China

Malaki ang tiwala ko sa bakuna laban sa COVID-19, na ginawa ng Gamaleya Center. Binabati ko ang inyong bansa sa pagkumpleto ng proseso ng pagpaparehistro ng estado. Ligtas ang adenoviral na bakuna ng Russia at dapat nitong matagumpay na makumpleto ang mga klinikal na pagsubok nito.

Hildegund Ertl
Propesor, Vaccine & Immunotherapy Center sa Wistar Institute sa Philadelphia, USA

Sa aking nakikita, ang mga ito ang malamang na pinakamahusay na platform.

Ian Jones
Propesor ng virology sa Reading University, United Kingdom

May sapat na pangkalahatang background na data sa mga recombinant adenovirus-based na bakuna upang ipagpalagay na magiging ligtas sa mga karaniwang dosis ang mismong bakuna.

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!