Tungkol sa Sputnik V

Tungkol sa Sputnik V

Ang Sputnik V ay ang unang nakarehistrong bakuna sa mundo na batay sa mahusay na nasaliksik na human adenovirus vector platform. Inaprubahan ito sa 71 na bansa na may kabuuang populasyon ng 4 bilyon.

Ang bakuna ay pinangalan sa unang Soviet space satellite. Ang paglunsad ng Sputnik 1 noong 1957 ay nagbigay ng bagong puwersa sa space exploration sa buong mundo, nilikha ang tinatawag na Sputnik Moment para sa pandaigdigang komunidad.

Ang bisa ng bakuna ay 97.6%, batay sa pagsusuri ng data sa insidente ng coronavirus sa mga Russian na nabakunahan ng dalawang bahagi ng bakuna sa pagitan ng Disyembre 5, 2020 at Marso 31, 2021.

Ang Phase 1 at 2 na klinikal na pagsubok para sa bakuna ay nakumpleto noong Agosto 1, 2020. Ang mga resulta ng Phase 3 na klinikal na pagsubok ay nilathala sa Russia sa Lancet magazine noong Pebrero 2, 2021. Ang Phase 3 na mga klinikal na pagsubok ng Sputnik V ay naging matagumpay din sa UAE, India, Venezuela at Belarus.

Ang bakunang Sputnik V ay batay sa napatunayan at mabuting napag-aralang ng human adenovirus vector platform; ang mga vector na ito ay sanhi ng karaniwang sipon at sinalanta ang sangkatauhan sa loob ng isang libong taon.

Ang Sputnik V ay ang unang bakuna para sa coronavirus na gumamit ng heterogeneous boosting na pamamaraan batay sa 2 magkakaibang vector para sa 2 iniksiyon ng bakuna. Ang pamamaraang ito ay gumagawa ng mas napapanatiling immunity kumpara sa mga bakunang gumagamit ng parehong mekanismo sa paghahatid para sa dalawang iniksiyon.

Ang kaligatsan, bisa at kakulangan ng pangmatagalang salungat na epekto ng mga adenovirus na bakuna ay napatunayan sa mahigit sa 250 klinikal na pagsubok sa mahigit dalawang dekada.

Hindi nagdudulot ang Sputnik V ng mga malalang allergy.

Ang temperatura sa pag-imbak ng sa +2...+8 °C ay nagpapahintulot sa bakunang maimbak sa regular na refrigerator na hindi kailangang mamuhunan sa karagdagang cold chain na imprastraktura.

Ang Sputnik V ay mabisa laban sa mga bagong strain ng coronavirus, ayon sa pag-aaral ng Gamaleya Research Institute for Epidemiology and Microbiology na nilathala sa nangungunang internasyonal na magazine Vaccines.

Gumagawa ang bakuna ng pamproteksiyong neutralising antibody titres laban sa mga bagong strain, kasama ang Alpha B.1.1.7 (unang nakilala sa UK), Beta B.1.351 (unang nakilala sa South Africa), Gamma P.1 (unang nakilala sa Brazil), Delta B.1.617.2 at B.1.617.3 (unang nakilala sa India) at mga variant B.1.1.141 at B.1.1.317 na may mga mutation sa receptor-binding domain (RBD) na nakilala sa Moscow.

Ipinapakita ng paunang pag-aaral sa laboratoryo ng Gamaleya Center na ang Sputnik V ay nagpamalas ng mataas na aktibidad sa pagkontra sa virus na uring Omicron at ito ay inaasahang magpoprotekta laban sa mga malalang kaso at pagpapaospital.

Ang Sputnik V ay nagpakita ng 3-7 beses na mas kaunting pagbawas ng aktibidad sa pagkontra sa virus na uring Omicron kumpara sa mga datos mula sa ibang mga nangungunang bakuna.

Sertipiko ng Pagpaparehistro sa Ministry of Health

Sputnik V vaccine
Sputnik V vaccine

Paano gumagana ang mga bakunang adenoviral vector-based

Ang mga “vector” ay mga pinaglululanan, na naglalabas ng genetic material mula sa ibang virus patungo sa isang selyula. Ang gene na mula sa adenovirus, na sanhi ng impeksyon, ay inaalis habang nagsasalin naman ng isang gene na may code ng protina mula sa ibang virus – na sa kasong ito ay coronavirus. Ang isinaling elementong ito ay ligtas sa pangangatawan ngunit tinutulungan pa rin nito ang immune system na mag-react at gumawa ng mga antibody, na nagpoprotekta sa atin laban sa impeksyon.

Sa tulong ng platform ng teknolohiya ng mga adenovirus-based vector, nagiging mas madali at mas mabilis ang paggawa ng mga bagong bakuna sa pamamagitan ng pag-modify sa naunang carrier vector gamit ang genetic material mula sa mga bagong umuusbong na virus na tumutulong sa paggawa ng mga bagong bakuna sa loob ng mas maikling panahon kumpara sa ibang pamamaraan. Dahil sa mga ganitong bakuna, nagkakaroon ng malakas na response mula sa immune system ng tao.

Ang mga adenovirus ng tao ay itinuturing na ilan sa pinakamadaling i-engineer sa ganitong paraan at dahil dito, madalas gamitin ang mga ito bilang vector.

Alamin pa kung paano gumagana ang mga bakunang adenovirus-based vector

Alamin pa ang tungkol sa matagumpay na karanasan ng Gamaleya Center sa pag-develop ng mga bakuna laban sa Ebola na batay sa isang adenovirus vector



Mga kabutihan ng pangunahin at pambunsod (booster) na pagbabakuna

graph-TG.svg

Sputnik V vaccine Sputnik V vaccine

Kaligtasan at bisa

Matapos magsimula ang pandemya ng COVID-19, kumuha ang mga mananaliksik sa Russia ng piraso ng genetic material mula sa novel coronavirus SARS-COV-2, na nagko- code ng impormasyon tungkol sa istruktura ng spike S-protein, na bumubuo sa “crown” ng virus at nag-uugnay sa mga selyula ng tao. Inilagay nila ang mga ito sa isang pamilyar na adenovirus vector upang maisalin sa isang selyula ng tao at magawa ang kauna-unahang bakuna para sa COVID-19 sa buong mundo.

Upang matiyak na magkakaroon ng immunity sa loob ng mahabang panahon, nakaisip ang mga siyentista ng Russia ng makabagong ideya ng paggamit ng dalawang magkaibang uri ng adenovirus vector (rAd26 at rAd5) para sa una at pangalawang pagbabakuna, na magdaragdag sa bisa ng bakuna.

Ligtas ang paggamit ng mga adenovirus ng tao bilang mga vector dahil ang mga virus na ito, na sanhi ng karaniwang sipon, ay hindi novel (bago) at umiiral na mula pa noong nakaraang libo-libong taon.

Ang inulat na pagkabisa ng Sputnik V laban sa COVID-19 ay 91.6%. Ang numerong ito ay batay sa pagtatasa ng mga datos mula sa 19,866 boluntaryong tao, na parehong tumanggap ng ika-unang at pangalawang dosis ng bakunang Sputnik V o placebo sa panghuling punto ng kontrol ng 78 kumpirmadong kaso ng COVID-19. Ang pagkabisa ng Sputnik V ay napatunayan ng internasyonal na pagsusuri ng datos ng mga kasamahan at ito ay inilathala sa The Lancet.

BISA LABAN SA MGA BAGONG STRAIN

Noong 12.07.2021, ang isang pag-aaral sa bisa ng Sputnik V labans a mga bagong strain ng coronavirus ay nilathala sa nangungunang internasyonal na magazine Vaccines by the Gamaleya Research Institute for Epidemiology and Microbiology.

Gumagawa ang bakuna ng pamproteksiyong neutralising antibody titres laban sa mga bagong strain, kasama ang Alpha B.1.1.7 (unang nakilala sa UK), Beta B.1.351 (unang nakilala sa South Africa), Gamma P.1 (unang nakilala sa Brazil), Delta B.1.617.2 at B.1.617.3 (unang nakilala sa India) at mga variant B.1.1.141 at B.1.1.317 na may mga mutation sa receptor-binding domain (RBD) na nakilala sa Moscow.

Ang paraan sa pag-aaral ay batay sa pagtatasa ng viral neutralising activity (VNA) gamit ang live virus, na nagbibigay ng pinaka-maaasahang data at tinatanggap na pamantayan. Hinambing ng pag-aaral ang VNA ng human serum matapos ang pagbabakuna sa Sputnik V sa mga pandaigdigang sample ng strain sa VNA laban sa orihinal na strain B.1.1.1. Ang serum ay na-sample mula sa mga indibiduwal na na-immunise ng dalawang component ng Sputnik V.

Ang data na nakuha ay nagpakita na ang Sputnik V ay nagpapanatili ng mga pamproteksiyong katangian nito laban sa mga bagong strain. Ang pagbabawas sa viral neutralising na aktibidad ng Sputnik V laban sa ilang mga strain ay makabuluhang mas mababa kumpara sa data na nilathala ng mga manufacturer ng mga ibang bakuna na dating kumumpirma sa bisa nila laban sa mga bagong mutation ng coronavirus.

Ang Ruso ang pinakapinagkakatiwalaang tagagawa ng bakuna, at ang Sputnik V ang pinakakilalang bakuna, ayon sa ipinakita na survey ng YouGov

Isa sa mga pinakamalaking sarbey ng bakuna sa buong mundo na isinasagawa ng YouGov sa 11 bansa at pinaka-una sa Gitnang Silangan at Timog Silangang Asya

Matagumpay na naipadala ang mensahe!

Naka-subscribe ka sa aming mga update.
Salamat!