Mga Pangkalahatang Probisyon
1.1. Ang Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal na ito (na tutukuyin mula rito bilang Patakaran) ay inaprubahan ng Joint-Stock Company Management Company ng Russian Direct Investment Fund (na tutukuyin mula rito bilang Organisasyon sa Pagpapatakbo) alinsunod sa Pederal na Batas Blg. 152-FZ na may petsang ika-27 ng Hulyo 2006 na "Tungkol sa Personal na Data" upang buuin ang mga proseso para sa pagpoproseso ng personal na data ng mga user sa website na sputnikvaccine.com (na tutukuyin mula rito bilang Mga User at Website, ayon sa pagkakasunod).
1.2. Kasama sa paggamit ng ilang seksyon sa Website, at ilan sa mga serbisyo nito, ang pagbibigay ng Mga User ng personal na impormasyon sa Organisasyon sa Pagpapatakbo. Sa ganitong sitwasyon, posible lang ang paggamit sa Website at mga serbisyo nito kapag nalaman na ng User ang Patakarang ito, at nagpahayag siya ng pahintulot sa mga tuntuning nakabalangkas sa Patakaran. Ang User na nagbigay ng personal na data sa Organisasyon sa Pagpapatakbo ay ituturing na nagpahayag ng pahintulot na iproseso ang personal na data na iyon sa paraang iminumungkahi sa Patakaran. Nangangahulugan ang paggamit sa Website na nagbibigay ang User ng ganap na pahintulot sa Patakarang ito at sa mga kundisyong nangangasiwa sa kung paano nagpoproseso ng personal na impormasyon na tinutukoy doon; kung sakaling magkakaroon ng anumang hindi pagkakasundo sa mga kundisyong ito, dapat umiwas ang User sa paggamit sa Website.
1.3. Hindi kinokontrol at hindi responsibilidad ng Organisasyon sa Pagpapatakbo ang mga third-party na website na maaaring puntahan ng User sa pamamagitan ng mga link na available sa Website. Ang ugnayan sa pagitan ng User at anumang third party upang matiyak ang pagiging kumpidensyal para sa personal na data na ibinigay ng User sa mga third party na iyon ay independent na pinapangasiwaan sa pagitan ng User at mga third party na ito.
Listahang tumutukoy sa personal na data na ipinoproseso ng Organisasyon sa Pagpapatakbo
2.1. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng personal na data sa Organisasyon sa Pagpapatakbo, sumasang-ayon ang User na iproseso ng Organisasyon sa Pagpapatakbo ang anuman at lahat ng personal na data mula sa User na ilalagay ng User gamit ang form ng pagpaparehistro sa Website, o kung hindi man ay ililipat niya sa Organisasyon sa Pagpapatakbo, pati ang anuman at lahat ng personal na data tungkol sa User kung saan independent na nakakakuha ng access ang Organisasyon sa Pagpapatakbo dahil sa paraan ng paggamit ng User sa Website, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa:
2.1.1. personal na impormasyon na kusang ibinibigay ng User kapag ginagamit niya ang Website, kabilang ang personal na data ng User. Minamarkahan sa kakaibang paraan ang impormasyong kinakailangan upang mabigyang-daan ang paggamit sa Website. Ibinibigay ng User ang iba pang impormasyon sa kanyang kagustuhan.
2.1.2. email address
2.1.3. data na awtomatikong ipinapadala sa mga serbisyong iniaalok ng Website sa pamamagitan ng paggamit sa software na naka-install sa device ng User, kabilang ang mga IP address, data mula sa cookies, impormasyon tungkol sa browser ng User (o iba pang program na ginagamit upang ma-access ang mga serbisyo), teknikal na katangian para sa kagamitan at software na ginagamit ng User, petsa at oras kung kailan na-access ang mga serbisyo, address ng mga hiniling na web page, at iba pang katulad na impormasyon.
Mga panuntunan sa at layunin ng pagpoproseso ng personal na data. Mga source ng personal na data
3.1. Kinokolekta at sino-store ng Website ang personal na impormasyong kailangan lang upang makapagbigay ng mga serbisyo o matugunan ang mga kasunduan at kontrata sa User, maliban para sa mga sitwasyon kapag iniatas ng batas ang kinakailangang pag-store ng personal na impormasyon sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon tulad ng iniaatas ng batas.
3.2. Ipinoproseso ng Organisasyon sa Pagpapatakbo ang personal na data na kailangan upang maisagawa nito ang mga aktibidad nito, hangga't hindi nalalabag ang mga karapatan ng may-ari ng personal na data, at para ito sa mga layuning hindi sumasalungat sa batas ng Russian Federation.
3.3. Ipinoproseso ang personal na data:
3.3.1. upang matukoy ang may-ari ng personal na data
3.3.2. upang makaugnayan ang may-ari ng personal na data, kabilang ang para sa mga layunin ng pagpapadala ng mga abiso, kahilingan, at iba pang impormasyon, at upang iproseso ang mga kahilingan at tanong na isinumite ng mga may-ari ng personal na data
3.3.3. upang makapagsawa ng pananaliksik sa istatistika, marketing, at iba pang uri ng pananaliksik
3.3.4. upang makapagbigay ng feedback sa User
3.3.5. para sa mga layunin ng marketing.
Mga kundisyon para sa pagpoproseso ng personal na impormasyon ng mga user at pagpapadala nito sa mga third party
4.1. Sino-store ng Website ang personal na impormasyon ng Mga User alinsunod sa mga panloob na regulasyong nalalapat sa mga partikular na serbisyo.
4.2. Para sa personal na impormasyon ng User, pinapanatili itong kumpidensyal, maliban sa mga sitwasyon kapag kusang nagbigay ang User ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili na magiging available sa publiko sa limitadong bilang ng mga tao.
4.3. May karapatan ang Website na ipadala ang personal na impormasyon ng isang User sa mga third party sa mga sumusunod na sitwasyon:
4.3.1. Nagpahayag ng pahintulot ang User sa pagsasagawa ng pagkilos na ito.
4.3.2. Kailangan ang pagpapadala ng impormasyon upang magamit ng User ang isang partikular na serbisyo, o upang matugunan ang isang partikular na kasunduan o kontratang sinang-ayunan ng User.
4.3.3. Itinatakda ang pagpapadala ng impormasyon ng batas ng Russia o iba pang naaangkop na batas sa konteksto ng prosesong binuo ng batas.
4.3.4. Kung ibinenta ang Website, aakuhin ng bumiling organisasyon ang lahat ng obligasyong sundin ang mga tuntunin ng Patakarang ito kaugnay ng personal na impormasyong matatanggap nito.
4.4. Tutugunan ang pagpoproseso ng personal na data ng isang User nang walang anumang limitasyon sa oras sa anumang paraang naaayon sa batas, kabilang ang paggamit ng mga system ng impormasyon ng personal na data na gumagamit ng mga tool sa automation o hindi gumagamit ng mga ganoong uri ng mga tool. Ipoproseso ang personal na data ng Mga User alinsunod sa Pederal na Batas Blg. 152-FZ na may petsang ika-27 ng Hulyo 2006 na "Tungkol sa Personal na Data."
4.5. Kung mawawala o ihahayag ang personal na data, ipapaalam ng pamunuan ng Website sa User ang tungkol sa pagkawala o paghahayag na ito kaugnay ng personal na data na iyon.
4.6. Gagamitin ng pamunuan ng Website ang mga kinakailangang pang-organisasyon at teknikal na panukala upang protektahan ang personal na impormasyon ng Mga User mula sa mga taong nakakakuha ng hindi awtorisado o hindi sinasadyang pag-access, at na masira, mabago, ma-block, makopya, maipamahagi, o mapasailalim sa labag sa batas na pagkilos na isinagawa ng mga third party.
4.7. Isasagawa ng pamunuan ng Website, kasama ang User, ang lahat ng kinakailangang panukala upang maiwasang magtamo ng mga pagkawala, o pagkakaroon ng iba pang negatibong resulta, na maaaring idulot ng pagkawala o paghahayag ng personal na data ng User na iyon.
Mga obligasyon ng mga party
5.1. Obligasyon ng User na:
5.1.1. Magbigay ng impormasyong nauugnay sa personal na data na kailangan upang magamit ang Website.
5.1.2. I-update at dagdagan ang impormasyong ibinigay na nauugnay sa personal na data kung mayroong anumang pagbabago sa impormasyong iyon.
5.2. Obligasyon ng pamunuan ng Website na:
5.2.1. Gamitin ang impormasyong matatanggap nito para lang sa mga layuning tinutukoy sa Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal na ito.
5.2.2. Tiyaking ang kumpidensyal na impormasyong ito ay pananatilihing lihim, at hindi ihahayag nang walang paunang nakasulat na pahintulot na ibinigay ng User, at hindi ibebenta, ipagpapalit, ilalathala, o ihahayag sa anumang iba pang posibleng paraan kung paano ipinadala ng User ang personal na data, maliban sa paraang katulad ng ibinibigay para sa Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal na ito.
5.2.3. Magsagawa ng mga panukala sa pag-iingat na pumoprotekta sa pagiging kumpidensyal ng personal na data ng User alinsunod sa mga prosesong karaniwang ginagamit upang protektahan ang ganitong uri ng impormasyon sa mga kasalukuyang kagawian sa negosyo.
5.2.4. I-block ang personal na data na nauugnay sa nauugnay na User mula sa panahong nagsumite ang User, o legal na kinatawan ng User, o may-kapangyarihang awtoridad na nangangasiwa sa pagprotekta sa mga karapatang mayroon ang mga may-ari ng personal na data ng kahilingan o tanong na nauugnay sa isang panahon ng pag-verify kung sakaling mapag-aalamang mayroong hindi tumpak na personal na data, o may mga ginawang pagkilos na labag sa batas.
Ang proseso ng pagbawi ng pahintulot na iproseso ang personal na data
6.1. May karapatan ang user na bawiin anumang oras ang ibinigay na pahintulot na iproseso ang personal na data. Upang mabawi ang ibinigay na pahintulot na iproseso ang personal na data, magpapadala ang User ng nakasulat na abiso tungkol sa pagbawi sa pahintulot sa Organisasyon sa Pagpapatakbo sa email address na [email protected]. Mula sa panahong natanggap ang abisong ito, ihihinto ng Organisasyon sa Pagpapatakbo ang pagpoproseso sa personal na data ng User, maliban sa mga sitwasyon kung saan pinapahintulutan ng batas ang pagpoproseso ng personal na data nang walang pahintulot ng may-ari ng personal na data na iyon. Kapag winakasan ang pagpoproseso sa personal na data ng isang User, maaari itong humantong sa kawalan ng kakayahan ng User na makakuha ng access sa ilang seksyon at serbisyo sa Website.
Mga obligasyong inaako ng mga party
7.1. Kung hindi nito natugunan ang mga obligasyon nito, mananagot ang pamunuan ng Website para sa mga pagkawalang natamo ng User dahil sa labag sa batas na paggamit ng personal na data ng User na iyon alinsunod sa batas ng Russian Federation.
7.2. Kung mawawala o ihahayag ang kumpidensyal na impormasyon, hindi mananagot ang pamunuan ng Website kung ang kumpidensyal na impormasyong ito ay:
7.2.1. Naging pampublikong domain bago ito mawala o ihayag.
7.2.2. Natanggap mula sa isang third party bago ang panahon kung kailan ito natanggap ng pamunuan ng Website.
7.2.3. Inihayag pagkatapos magbigay ang User ng pahintulot na gawin ito.
Paglutas sa hindi pagkakasundo
8.1. Bago maghain ng claim sa nauugnay na korte para sa mga hindi pagkakasundong nagmumula sa ugnayan sa pagitan ng User at pamunuan ng User, kinakailangang magsumite ng reklamo (na isang nakasulat na mungkahing boluntaryong subukang ayusin ang hindi pagkakasundo).
8.2. Dapat abisuhan ng party na tatanggap ng reklamo ang party na nagsumite ng reklamo sa pamamagitan ng sulat sa loob ng 30 (tatlumpung) araw sa kalendaryo mula sa petsa kung kailan nito natanggap ang reklamo tungkol sa mga resulta pagkatapos ng pagsusuri sa reklamong iyon.
8.3. Kung walang kasunduang maaabot, dadalhin ang hindi pagkakasundong iyon sa korte para sa pagsusuri bilang pagsunod sa kasalukuyang batas ng Russian Federation.
8.4. Nalalapat ang kasalukuyang batas ng Russian Federation sa Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal na ito at sa ugnayan sa pagitan ng User at ng pamunuan ng Website.
Mga karagdagang tuntunin at kundisyon
9.1. May karapatan ang pamunuan ng Website na gumawa ng mga pagbabago sa Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal na ito nang walang pahintulot ng User.
9.2. May karapatan ang Organisasyon sa Pagpapatakbo na gumawa ng mga pagbabago sa Patakarang ito anumang oras. Magkakaroon ng bisa ang bagong bersyon ng Patakarang ito mula sa panahong nailathala ang Patakaran sa Website. Responsibilidad ng User na independent na subaybayan ang anumang update sa Patakaran na maaaring ilathala sa Website.
9.3. Maaaring ipabatid ang lahat ng suhestyon o tanong na nauugnay sa Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal na ito sa electronic mail address na [email protected].
9.4. Naka-post ang kasalukuyang Patakaran sa Pagiging Kumpidensyal sa web page na nasa addess na: sputnikvaccine.com/policy/.
Matagumpay na naipadala ang mensahe!